Nag-away kayo ng boyfriend mo. Nagalit ka sa kanya dahil hindi ka binigyan ng kikiam.
Kinuha nya rin yung iniuwi mong ketchup galing sa jollibee at sa sobrang inis mo ay siniseen mo lang ang chat nya."Babe, Honey, Sugar Pie, Cutie Pie, Baby Babe, Darling sorry na" message nito. Balewala dito kahit magmukha na syang tanga.
-seen-
"Ililibre kita ng madaming Kikiam"
-seen-
"Dadalhan kita ng Jollibee saka madaming ketchup"
-seen-
"Mahal ko sorry na kasi"
-seen-
"Alam ko namang mahal na mahal mo ko" aniya
-seen-
"Mahal na mahal kita kahit pangatlo lang ako sa puso mo." aniya at napareply ka.
"Pangatlo?"
"Oo. Una kasi yung asawa mo sa wattpad, pangalawa yung kpop idol tas ako" reply nito at napangiti ka.
"Buti alam mo"
"Pero kahit ganon, nag-iisa ka lang sa puso ko"
"Tama na cheesy na" reply mo.
"Andito ako sa labas ng bahay nyo."
"What?! gabi na!!"
"Ayos lang. Kesa naman matulog ako na magkaaway tayo"
And with that, lumabas ka ng bahay nyo at naroon nga sya bitbit ang supot ng Jollibee, wattpad books at kikiam na hindi pa luto.
Napangiti ka na lang bigla at narealize na sobrang liit lang pala ng bagay na kinakagalit mo.
Get a guy na di ka susukuan at tanggap pati ang kabaliwan mo.
-zy_thorne