KLASMEYT: Knock Knock
"Sinong tanga ang nagcheck ng papel ko?!" galit na sigaw ni Zaphira matapos makita ang test paper nyang halos gurihan na ng nagcheck.
Natahimik ang lahat maliban sa isang lalaki mula sa likod. Nagpipigil ito ng tawa at lalo lang nainis ang babae.
"Hoy! Kendrick! Ano ba talagang problema mo ha?!"
"Ikaw ang may problema. Hindi ako" seryosong sagot nito.
"Epal ka! Ako pa ang may problema?! Ang linis linis ng test paper ko tapos bigla mong dudumihan ng ganito?!"
"Paano mo nasabing ako ang nagcheck?!" tanong ni Kendrick.
"Ikaw lang naman ang papansin sa section na to" di na alam ni Zaphira ang mga sinasabi nya dahil sa galit.
Hindi lang kasi iyon ang unang beses na ginalit sya ni Kendrick. Nariyan na itatali nito ang bag nya sa upuan, itinatago ang ballpen, naglalagay ng board eraser sa bag at kung anu-ano pa.
Natigil lang silang dalawa nang biglang pumasok ang guro.
"Kayong dalawa! Nag-aaway na naman kayo? Para kayong aso at pusa" anito.
"Bago tayo magstart ng klase, pagbigyan muna natin tong dalawang to. Tumayo nga kayo Zaphira at Kendrick" utos nito at sumunod silang dalawa.
"Kayo ba ay di na talaga magkakaayos?" tanong ng guro at walang sumagot sa dalawa.
"Ah. di kayo iimik? Kendrick! Sabihin mo na kung anong problema mo rito kay Zaphira" utos ng guro kay Kendrick.
Naglakad si Kendrick papalapit kay Zaphira at kinakabahan ang lahat.
Pero ang akala nilang sigawan na naman ay nauwi sa katahimikan nang magsalita si Kendrick ng....
"Knock knock"
"Nangloloko ka ba?" inis na tanong ni Sir.
"Knock knock" ulit ni Kendrick at sumagot na si Zaphira.
"W-who's there?"
"Aso"
"A-aso who?"
"Ginagawa ko lang naman ang lahat para mapansin mo ko. Gusto kita Zaphira. Matagal na"
"Nasan ang aso dun?"
"Gusto kita---- 'aso' (kaso) di mo maramdaman" anito.
Lihim na kinilig ang lahat.
"Knock knock" si Zaphira naman.
"Whos there?" tanong ni Kendrick.
"Pusa"
"Pusa who?"
"Alam kong gusto mo ako. Hindi yun sa hindi ko maramdaman pero hindi ko lang talaga kayang ibalik ang nararamdaman mo"
"Asan naman ag pusa doon?"
"Pusa (kusa) na akong lumalayo pero lumalapit ka parin" sambit ni Zaphira.
"Knock knock" hirit pa ni Kendrick.
"Who's there?"
"Kendrick"
"Kendrick who?"
"Ako lang naman yung taong nagmamahal sayo. For the last time sasabihin ko to. Hindi ako kumakatok para magbiro. Kumakatok ako sa puso mo"
"Pasensya na. Hindi ko kaya. Hindi pwede" sagot ni Zaphira.
"Bakit kasi hindi?!"
"DAHIL MAGPINSAN TAYONG TANGA KA!"
-zy_thorne