CELLPHONE CASE
Bakit ka ba naglalagay ng case? Para hindi magasgas yung phone? Para hindi masira?
Well, my boyfriend gave me one kasabay ng katagang
"Katulad ng cellphone case, poprotektahan din kita. I love you"
But months past,
Nakita ko syang may kasamang iba. Sabi nya noon ay kapatid nya lang yun pero hindi ako naniwala. Lalo na ngayon at nakikita ko silang dalawa, they kissed.
Gawain ba ng magkapatid yun? Hindi ko alintana ang pagbagsak ng ulan. Pero nakita nya ako.
Sa oras na nagtagpo ang aming mga mata ay tila nanghina ako. Nahulog ang cellphone na hawak ko at lumubog sa tubig na dulot ng pag-ulan.
Agad ko iyong pinulot at tumakbo na papalayo.
Pag-uwi ko sa bahay, I checked my phone and figured out na sira na ito dahil nabasa.
Doon narealize ko na para ngang cellphone case ang boyfriend ko. Akala ko ay kaya akong protektahan kapag nahulog ako. Pero hindi pala sa lahat ng oras ay ganon.
Masyado ng madaming luha ang pumatak, nakakalunod at hindi sapat ang case para protektahan ang cellphone. Hindi sapat ang pangako nya para protektahan ako sa sakit.
Hindi sya para sa akin. He may never literally broke me but he killed me.
-zy_thorne