SEHB: HER VOICE

98 3 0
                                    

HER VOICE

"Oh! Pre, san ka pa pupunta?" Tanong sakin ng katrabaho ko.

"Bibili muna ako ng bulaklak para sa asawa ko"

"Parang di ka napapagod ah" anas niya at napangiti na lang ako.

Nang makauwi ako ay ibinigay ko sa kanya ang pulang rosas.

"I love you hon" aniya at nawala na lang bigla ang pagod ko.

God! I really love her. Naalala ko tuloy ang una naming pag-uusap.

Nagjo-jogging ako sa park nang makita ko si Rean.

Natawa pa ako kasi sya lang naman ang dahilan kung bat ako narito tuwing umaga.... At iyon ay para lang makita sya.

"Sinusundan mo ba ako?" Tanong niya habang sinasabayan ko sya.

"Nope"

Lumiko sya pabalik at ginaya ko naman.

Iritado syang tumigil at uminom ng tubig.

Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at inagaw ko ang tumbler nya at uminom.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nya.

"Nakikiinom lang"

"Mr. Nakikita kong may tubig kang dala." aniya habang nakatingin sa bulsa ng aking loose pants.

Nangingiting kinuha ko ito at ihinagis sa basurahan.

"Three points." sambit ko pa

"What the hell?"

"Ayan. Wala na akong tubig" sabi ko at uminom ulit sa tumbler nya.

That's how we started.

Maraming nangyari pero pinagpapasalamat kong minahal nya ako.

Nabalik ako sa reyalidad nang may narinig akong kalabog sa may kusina.

Nagtungo ako doon.

"Taas ang kamay at ibigay mo sakin anf wallet mo" sigaw ng magnanakaw.

Tatlo sila at may hawak na baril. Wala akong choice kundi sumunod.

Kinuha nila ang lahat. Wallet. Gayundin ang cellphone na pinakaiingatan ko.

Napaupo na lang ako sa sahig at umiyak.

Hanggang ngayon, di ko parin kayang ipagtanggol ang sarili ko. Kasalanan ko kung bakit sya nawala.

Kasalanan ko kung bakit sya namatay.

Di ko sya naipaglaban sa mga magulang ko. Iniwan ko sya noon. Napakatanga ko.

Di ko alam na buntis pala sya. Damn! She comitted suicide because of me!

And now, yung cellphone na tanging nagbibigay sakin ng sigla ay nakuha na ng iba. Di ko na naman naprotektahan.

Naroon ang huling message nya bago sya nagpakamatay. Ang audio recording na nagtutulak sakin para patuloy na mabuhay.

"I love you hon" iyon lang ang naroon.

Bumalik ako sa mesa kung nasaan ang larawan nya at ang binili kong bulaklak.

Doon ay tuluyan na akong lumuhod.

"Im sorry. Im too strong and persistent to get you pero di kita naipaglaban. I killed you I know. Im sorry."

Gusto kong mamatay na lang para iwan ang sakit pero hindi! Hindi dapat!

Kulang pa ang parusang ito sakin. For being weak and stupid.

No man deserves an escape and happy life for denying a girl.

No man.

-zy_thorne

Stories of Every HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon