TITA NASAAN PO ANG ANAK NYO?
Nagwawalis si mama sa bakuran habang ako naman ay nagdidilig ng halaman nang biglang dumaan si Evan.
"Good morning tita" bati nya kay mama
"Good morning din" bati rin ni mama. Psh epal din tong Evan na to. Di man lang ako binati.
'Kalma self abnormal talaga ang crush mo ' sabi ko sa sarili ko.
"Napadaan ka ijo? " tanong ni mama
"Nasaan po ang anak nyo? " tanong nya
"Nandito bakit? "
"Nawawala po kasi ang puso ko. Pakitanong naman po kung nasa kanya"
Nabitawan ko ang hose dahil sa sinabi nya. Iimik pa sana si mama pero bigla na siyang tumakbo.
Kinabukasan,
"Tita nandyan po ba ang anak nyo? "
"Bakit? " natatawang tanong ni mama.
"Alam ko na pong nasa kanya ang puso ko. Pakisabi naman po na ibalik na niya" sabi nya at agad tumakbo. Napailing na lang si mama.
Epal talaga nun. Pero kinikilig ako.
Kinabukasan,
"Tita nandiyan po ba ang anak nyo? "
"Bakit na naman Evan? " tanong ni mama.
"Pakitanong naman po kung anong nagawa ko. Bakit pinahihirapan nya ko ng ganito? Hindi kumpleto ang araw ko pag di ko sya nakikita. Ni hindi ako makakain at makatulog kakaisip sa kanya" sabi nya. Muli ay kumaripas na sya ng takbo.
"Yung batang yun talaga. Walang magawa sa buhay" natatawang sabi ni mama.
"Sinabi mo pa mama" sabi ko.
Kinabukasan,
Dumaan ulit si Evan pero nilampasan lang nya ang bahay namin. Nakakapanibago naman.
"Aba't wala yatang Evan na nagpapansin ngayon" sabi ni mama. Nagkibit balikat lang ako.
Matapos magwalis ay pumasok na si mama at naiwan ako sa labas. Muling dumaan si Evan at tinawag nya ang pangalan ko.
"B-bakit? Lagi mo daw akong hinahanap sabi ni mama" kunwari ay tanong ko.
"Hmm. Nandiyan ba ang mama mo? "
"Bakit? Tatanungin mo lang ng kung anu-ano? " nakakaasar. Ngayong ako ang narito mama ko naman ang hinahanap nya.
"Hindi naman. Itatanong ko lang sana kung okay lang na ligawan ko ang anak nila" sabi nya
"H-ha? " nasabi ko bang nag-iisang anak lang ako?
"I dont want to repeat myself. Ikaw na lang ang tatanungin ko. Pwede ba kitang ligawan? " he asked
"Wag kang mag-alala di na kita tatakbuhan" natatawang dugtong nya.
And I was like: "Damn. What the hell was that? "
-zy_thorne