WEDDING
"You may now kiss the bride" sabi ng pari at agad ko namang sinunod.
Mahal na mahal ko ang babaeng ito. Buong puso ko syang ipinaglaban at ngayon ay eto na-----
Nabalik ako sa reyalidad nang may tumalsik na tubig sa aking mukha---- ang bendisyon ng pari.
"Mabuhay ang bagong kasal. Patnubayan nawa kayo sa ngalan ng ama, ng anak, ng espiritu santo, amen."
Isang malamyos na musika ang tumugtog kasabay ng unti-unting paglubog ng babaeng nasa harap ko. Namamahinga na sya at hindi ko mapigilan ang luha kong unti-unti nang kumawala.
Ipinaglaban ko sya pero di ko alam na may sariling laban pala sya. Sa kasamaang palad ay natalo sya nito, namatay sya at ngayong araw ng kanyang libing ay ang pinlano naming kasal. Namatay man siya ay itinuloy ko parin.
Yes, I married her even though she's dead. I love her and death can never separate us.
Ihinulog ko ang puting rosas sa kanyang hukay kasabay ng pangakong ....
"Mamahalin kita habambuhay"
-zy_thorne