SEHB: HIS THREE WISHES

112 7 0
                                    

HIS THREE WISHES

"Happy birthday babe" bati ko sa boyfriend ko at ngumiti naman sya.

"Salamat babe"

"Sorry. Wala akong nabili na regalo"

"Ayos lang yun. Ano ka ba? Ang mahalaga ay narito ka" aniya.

"Hindi babe. Ganto na lang. You may have three wishes, tutupadin ko"

"K-kahit ano?"

"Yes. Kahit ano babe"

He smiled. And thats the worst decission i've ever made.

1. He asked me to date him. Sa hiling nya na to, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya sakin.

2. He asked for my virginity. Noong una ay ayoko pero.... Nangako ako. Mahal ko sya at nangako akong gagawin ang kahit ano.

3. Sa pangatlong araw ay ibinigay ko ang huli nyang hiling. "Nais kong makalaya. Lets break up"

Alam kong nakakagago ang hiling na yon. Pero nangako ako. Kahit masakit ay pinalaya ko sya. Marahil ay nakuha na nya ang gusto nya. Galit na galit ako sa kanya. Pero sa kabila ng lahat ng ito, naroon parin ang sakit at nangingibabaw.

Isang araw, nakasalubong ko ang kaibigan nyang si Lenox. Nagulat ako nang bigla nya akong hinila sa tagong lugar.

"Bitawan mo nga ako!"

"Shh. Wala akong gagawing masama sayo. May itatanong lang ako pero pinagbabawalan ako ng ex mo." aniya at napatigil ako.

"A-ano?"

"Napansin kong di na kayo magkasama. Ginawa nyo na ba? Nakipagse------"

"OO! BINIGAY KO ANG GUSTO NYA TAS INIWAN NYA AKO! ANO?! IPAPAMUKHA MO PA?!"

"Im sorry. I didn't mean it that way. Ang sakin lang wag kang magagalit sa kanya. Nagawa nya lang yun para sa kapatid nya."

"A-ano ba talagang rason?! Sabihin mo na para makalimutan ko na sya" sigaw ko.

At kinwento nya na ang buong pangyayari.

"Kahit napipilitan ay nakipagpustahan sya kay Farren"

"Farren? Yung binasted ko?" Tanong ko at tumango sya.

"Siguro ay di nya matanggap ang ginawa mo. Mahal ka ni Drake, mula umpisa ay totoo ang pagmamahal nya. Kaya nga siguro sya natagalang gawin yung usapan. Ang alam ko ay wala syang balak ituloy yun. Pero nagbanta si Farren na sasaktan ka sa pisikal na paraan. Sabi nya, kapag ginawa nya yun ay di ka na guguluhin pa. Nag-offer din sya ng malaking halaga kay Drake na nangangailangan din para sa operasyon ng kapatid nya"

Napatakip ako sa aking bibig.

"Mali. Pero yun lang ang paraang naisip ni Drake para iligtas kayong dalawa. Kung nasasaktan ka, masnasasaktan sya. Hindi nya gusto pero kailangan"

Matapos marinig ang mga iyon ay tumayo ako at tumakbo.

KAILANGAN KO SYANG PUNTAHAN.

"LARIANNE! NASA OSPITAL SYA!" sigaw ni Lenox.

At pagdating ko sa ospital, mabilis na binigay ng nurse ang impormasyon dahil nagpakilala akong girlfriend.

Nasa OR silang magkapatid.

At nagulat ako sa naabutan ko.

"The patient, Sierra Vicasan is okay. She'll survive" sambit ng doctor na ang tinutukoy ay ang kapatid ni Drake.

"Drake Vicasan, time of death, 5:55 pm, 4 hours before the operation finished"

At doon tuluyang bumagsak ang luha ko.

"Napakabuting kapatid ng binatang ito. Nagawa nyang ibigay ang sariling puso para sa kapatid." Anas ng doktor sa akin.

"Doc! Bakit kayo pumayag?! Sinong makakasama ni Sierra?!"

"Ah, ayoko ding gawin to pero naawa ako sa kanya. May cancer si Drake iha at alam nyang wala ng pag-asa. Pinili nya ang ganito para iligtas ang kapatid nya. Sa ngayon, kailangan kong hanapin si Larriane Mendeja"

"Ako po si Larriane"

"Ah---kung ganon, sa iyo nya inihahabilin ang kapatid nya. May pinabibigay sya" anas ng doktor at inabot ang isang papel.

'LARRIANE KO,

Sa huling pagkakataon ay hayaan mong tawagin kitang mahal ko. Patawarin mo ako. Kasalanan ko ang lahat. Mahal na mahal kita at may rason kung bakit ko to ginawa. Hindi ko gustong saktan ka. Mahal na mahal kita. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sayo at makapal ang mukha ko para humiling. Pero alam mo namang kami lang ng kapatid ko ang magkapamilya di ba? At sa panahon na to, maaaring wala na ako. Gayunpaman, sana ay mahalin mo ang kapatid ko. Ikaw ang reyna ko at sya ang prinsesa ko. Alagaan at ingatan mo sya, lalo na ngayon na ang puso ko ay nasa kanya. Patuloy na tumitibok para sayo wala man sa katawan ko pero nasa kapatid ko. Mahal kita.

Nagmamahal,
Drake mo.'

-zy_thorne

Stories of Every HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon