DRUNK
Lasing na lasing si Gregory. Nakahiga sya sa kama habang may babaeng nagtatanggal ng sapatos nya.
Sunod nitong tinanggal ang damit niya.
At hindi na naging malinaw ang buong pangyayari.
-------
Kinabukasan..."Mahal, lasing na lasing ako kagabi" sambit nito sa asawa
"Alam ko"
"Hindi ka ba galit?" tanong nito at sumagi sa isip nya ang babaeng kasama nya kagabi.
Agad itong yumakap sa asawa at umiyak
"Sorry mahal. May babaeng naghubad sakin kagabi. Di ko na alam kung anong nangyari. Patawarin mo ako"
Natawa na lang ang babae. Sanay na sya.... Sanay na sanay na sya.
"Bakit ka tumatawa?" tanong nito
"Dahil ako yung babae kagabi at tinulak mo ko"
napatigil ang lalaki.
"G-ginawa ko yun?"
"Oo. Sabi mo pa nga 'layuan mo ko may asawa na ako'. Ano ba yan mahal lagi ka na lang ganon kapag lasing ka." Natatawang sambit ng babae.
Find a MAN like this. Not loyal but faithful.
(idea not mine)
-zy_thorne