PLAN OF A DOCTOR
"Di ba magdodoktor ka? Ano sa tingin mo ang pinakakinatatakutan ng mga doktor?" tanong ko sa crush kong si Xian.
"Siguro ay yung hindi nila masagip ang taong minamahal nila" sagot niya.
"Masakit nga yun"
"Wag kang mag-alala.Maghahanda ako ng mabuti para isalba kita. Hindi ko yata kayang mabuhay ng wala ka"
"A-ano?"
"I hate repeating myself." He said then walked out.
-----------
YEARS LATER"Thank you love" umiiyak na sambit ko.
Kakagising ko lang mula sa pagkaka-coma at gaya ng pinangako niya,ginawa niya ang lahat para maisalba ako.
Naayon ang lahat batay sa plano niya.
"Hindi ka sana maooperahan noon iha.Madaming pasyente noon at busy ang mga doktor. Mabuti na lang at kahit hindi duty ng boyfriend mo ay sinubukan parin niya kahit alam nyang maaari syang makulong."
"A-ano po bang nangyari?" umiiyak na tanong ko.
"Sa pagkakaalam ko, isang linggo makalipas ang aksidete at operasyon mo ay nakita nya yung bumangga sayo. Hinabol nya ang kotse na yun at bigla namang nawalan ng preno ang kotse nya. That's how he died" pagkukwento ng isa pang doktor.
He planned to save me. He did.
Pero..."Wala naman sa planong iwan mo ko eh" anas ko kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha.
-zy_thorne