GUSTO KITANG ISAYAW NG MABAGAL
"Astrid!" napalingon ako sa tumawag.
"Bakit?"
"Wala" sagot ni Harem at inirapan ko naman.
'psh papansin' sabi ko sa isip ko at nagpatuloy sa pagsasagot sa math.
"Astrid! Astrid!" tawag nya ulit.
"Bakit nga?!"
"Wala" natatawang sambit niya.
"Papansin ka ano bang gusto mo?"
Tumayo sya sa harap ko habang ang kaliwang kamay ay nasa likod at ang kanan ay nasa harapan ko.
Nagulat din ako sa bigla nyang pagkanta."Gusto kitang isayaw ng mabagal~"
"Parang tanga" kinikilig na ako bwiset.
"Pfft Joke lang yun" aniya at umayos ng tayo.
"Umalis ka nga at may ginagawa ako" joke lang pala. Nakakabadtrip!
"Joke lang. Kasi mas gusto kitang ligawan" litanya niya saka umalis.
A-ano daw yun?!
----------
Years later..."Gusto kitang isayaw ng mabagal" kanta ni Harem sa harap ko.
Agad na tumulo ang luha ko.
"Im sorry. Di ko kayang sumayaw tulad ng gusto mo"
"Ano ba naman yan?" angal niya.
"Sorry talaga" nakatungong sabi ko.
"Sana nakakalakad pa ako" dugtong ko pa.
"Babe, walang nagbago. Nalumpo ka lang pero mahal pa rin kita. Saka sino bang nagsabi na hindi mo kayang sumayaw?" tanong niya at binuhat ako---bridal style.
Nag-umpisa syang gumalaw habang buhat ako.
"Kakayahan lang sa paglalakad ang nawala sayo, hindi ang pagmamahal ko"
"Bakit ka ba ganyan?!" naiiyak na tanong ko.
"Kasi mahal kita. At kung di mo kayang humakbang para sakin, wag kang mag-alala. Ako ang mismong lalapit sayo. Youre meant to be chased by a man and not to chase a man"
"T-talaga?"
"Oo. Pero, Ako lang ang may karapatang humabol sayo"
He said then kissed my forehead.
Yeah, its a true love started with a song.
-zy_thorne