MARRY YOUR DAUGHTER
"Gusto kong mangako ka na di mo ko ipagpapalit sa iba" sabi ko sa boyfriend ko.
Tumingin sya sa mga mata ko."Ayokong mangako na di kita iiwan. Baka kasi di ko matupad tapos aasa ka sa wala. Isa lang ang kaya kong maipangako sayo, ikaw lang ang mamahalin ko. Hindi kita iiwan hanggat walang dahilan" sagot niya.
"Aasahan ko yan"
"Sa pagbabalik ko, pupunta ako sa bahay nyo. Tulad ng pangarap mo, kakantahin ko ang marry your daughter sa harap ng parents mo" sabi nya.
----------- 5 years after------------
Andito sya sa bahay ko. Tulad ng pangako nya, nasa harap sya nila mama at papa habang kumakanta.
'Marry Your Daughter' di ko alam kung anong mararamdaman ko.Mabuti sana kung ako yung DAUGHTER na tinutukoy nya. Pero hindi. He's pertaining to my sister.
Di ko alam kung san ako nagkamali, pero sa pagkakaalam ko di ko deserve to.
'HINDI KITA IIWAN HANGGAT WALANG DAHILAN' sapat na ba ang ate ko para iwan nya ko?Gusto ko man syang ilaban pero... Pano naman ang magiging pamangkin ko? Yes, buntis ang ate ko at sya ang ama.
Noon pangarap kong may umawit ng marry your daughter sa harap ng parents ko, pero ngayon tila naging bangungot ito.
-zy_thorne