SEHB: TINAMAAN AKO

107 5 0
                                    

TINAMAAN AKO

"Kento!" agad akong napangiti nang marinig ko ang boses nya.

"Ano na naman ba?!" kunwari'y galit na tanong ko.

"Wala lang. Sasabihin ko lang na tinamaan ako sayo"

"Pwede bang wag mong sabihin sakin yan?!" kinikilig kasi ako takte.

Sya si Vena, ang babaeng may gusto sa akin. Dahil sa kakahabol nya, nagawa kong mahulog sa kanya.

Hindi ko lang maamin kasi sa tingin ko ay di pa ako nararapat sa kanya. Kaya naman ito, ang dating bad boy ay nagpapakatino.

Umalis din sya sa harap ko.

"Kung alam mo lang ang nararamdaman ko" bulong ko sa hangin.

-------
Nagsusulat ako nang may kumulbit sa likuran ko.

"Kento" bulong ni Vena.

"What?" tamad na tanong ko.

"Wala, gusto ko lang ipaalala na tinamaan ako sayo" anas nya.

"Mr. Kento, Ms. Vena! What's with the noise? Mind sharing your topic?" galit na tanong ni Sir.

"Sorry sir" ani Vena at tumayo naman ako.

"Sir. Sinabi nya na tinamaan daw sya sakin. Ngayon sasabihin ko na ring mastinamaan ako sa kanya." taas noong sambit ko at nagtilian ang mga kaklase kong babae.

"K-kento----"

"Vena, sinabi ko noong itigil mo na ang pagsasabi non. Kasi sa ating dalawa, ako ang tinamaan ng sobra" sabi ko.

Tila lumulutang ako nang sa wakas ay nakaamin na ako hanggang sa...

"You two! Gerawt!" sigaw ni Sir.

---------
NEW YEAR

"Happy 3rd Year mahal" sabi sakin ni Vena at niyakap ako.

"It's been 3 years since we've been together" di makapaniwalang sabi ko.

"Oo nga eh. Mahal na mahal kita" aniya.

"Masmahal kita. Di mo lang alam"

Di ako makapaniwalang nasa akin na sya ngayon. Hinalikan ko sya sa noo at kasabay non ang pag-ilaw ng fireworks sa taas.

"Happy new year mahal"

"Happy new year" nilamon ang boses ko sa malalakas na tunog ng sasakyan at paputok.

Hanggang sa...

"M-mahal"

"Bakit? May masakit ba sayo? Bakit ganyan ang mukha mo?" Kinakabahang tanong ko.

Labis akong nagulat nang lumuwa sya ng dugo.

"M-mahal t-tinamaan ako" aniya.

Di ko mapigilan ang luha ko kasabay ng pagmumura.

"Gusto kong sinasabi mong tinamaan ka sakin pero please! Wag ngayon!"

Agad ko syang dinala sa ospital.

'Please lord. Take care of my life'

-------
Hope is a very beautiful thing. It's the reason that keeps us going. But, some salvations are not always given.

"Im sorry, she didn't made it" anas ng doktor na gumuho sa mundo ko.

Oo tinamaan sya-----tinamaan ng ligaw na bala.

-zy_thorne

Stories of Every HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon