MUNDO
"Crush may sasabihin ako sayo" tawag ko sa forever snob na si Rio.
"What?" tamad na tanong nya.
"Ikaw pala ang nasa pagitan ng venus at mars"
Tamad nya akong tiningnan na parang alam na nya ang gagawin ko. Di sya umimik kaya naman tinuloy ko na ang sasabihin ko.
"Kasi ikaw ang Earth ko" at saka ko lang narealize...
"Lame" aniya.
Ouch!
----------
Nasa classroom kami at walang klase. Syempre, sayang-saya na naman ako kasi malaya kong natititigan si Rio na katabi ko."Stop staring woman" aniya.
"Tama" anas ko.
"Huh?"
"Bilog nga ang mundo"
"How can you say that?"
"Simple. Kasi umiikot ikaw. Umiikot ka sa isip ko" sagot ko habang tinuturo sya.
Agad na nablangko ang ekspresyon nya at tinamaan ako ng kaba. Pikon na ba sya?
"Will you please stop saying those lame things about earth?" galit na tanong nya.
At ngayon napagtanto ko. Pikon nga sya.
"Galit ka ba?"
"Yes! Kasi una sa lahat, hindi AKO ang mundo----"
"Banat lang----"
"Kasi IKAW ang mundo para sakin" dugtong nya at napatigil ako.
"H-huh?"
"Pangalawa, hindi bilog ang mundo. Okay? Flat ang mundo"
"Bakit?"
"Kasi flat ka" aniya at bahagyang natawa.
Di ko alam kung natulala ako sa banat nya o dahil sa tawa nya.
"A-ang bigat. D-di ko kinakaya ang banat mo" waa sa loob na sambit ko.
Agad nya akong niyakap at napasandal ang ulo ko sa balikat nya. Amoy na amoy ko ang pabango nya.
"Hindi. Mali ka" aniya habang hinahaplos ang aking buhok.
"Bakit na naman?" Lutang na lutang ang pakiramdam ko.
"Kasi ngayong yakap kita ay nakasandal sa balikat ko, napagtanto kong magaan lang pala ang mundo. At nga pala, wag ka nang babanat ulit."
"Ayaw mo? Akala ko kasi---"
"Hindi sa ayaw ko. Pero sa ngayon, masgusto kong ako naman ang gagawa ng paraan. Damn woman! Ipapamukha ko sayong ikaw ang mundo ko."
Natahimik ako.
"Napakacorny nating dalawa pero sa tingin ko'y dapat lang na ligawan kita."
Matapos nyang sabihin yun ay tumunog ang bell. Hudyat na uwian na.
Ayoko pang umalis sa yakap nya. Pero labis akong nagulat nang binuhat nya ako sabay sabing...
"Magaan nga ang mundo. Kayang kaya kong dalhin sa simbahan. Pagkagraduate natin dadalhin kita agad don"
-zy_thorne