SEHB: SIMBANG GABI EPIC FAIL

101 6 0
                                    

SIMBANG GABI EPIC FAIL

Ako si Lariene at excited na ako para sa simbang gabi.

But everything changed when this shit happened....

Papasok pa lang ako sa church nang bigla akong mapatid ng rug sa bulwagan.

"Pfft" rinig kong pagpipigil ng hampas lupang lalaki sa likuran ko. Hinarap ko sya at tinarayan.

"Nakakatawa?" Tanong ko at natigilan sya pero maya-maya ay bumalik na naman yung tawa nya.

Kingina?! Kung wala lang ako sa simbahan, naku.

--------
Night 2

Nasa kalagitnaan kami ng misa nang biglang tumunog ang phone ko.

With maximum volume pa!

Labis akong nataranta at hiyang-hiya kaya yumukod na lang ako ng bahagya.

"I-silent kasi ang phone" sambit na naman ng lalaki sa likuran ko. Yung same hampaslupa lang kagabi.
Yung gusto mo nang magbagong buhay pero dinedemonyo ka ng nasa likuran mo.

'Lord. Last na po talaga, kitlan ko lang po to ng buhay tas new life na ako' pikon na anas ko sa utak ko.

Sa sobrang inis ay naisipan ko na lang na pumunta sa CR, which is nasa likuran lang at malapit sa amin.

Ang switch ng ilaw ay nasa labas, sa gilid ng pinto---dalawa iyon.

At sa lahat ng kamalasanh bumagsak sakin, napindot ko ang ilaw sa loob at hindi sa CR.

Kingina?! Ano?! Hiyang-hiya na self??

------
After mass, naglalakad na kami pauwi nang magsalita ang lalaking hampaslupa.

"Miss. Malas ka ba talaga? Lakas mong makakuha ng atraksyon eh" aniya.

"Kinaperfect mo yun?" Tanong ko.

"Nah. But as what I said, that makes you so attractive" nakangiting sambit nya.

Attractive daw ako??

---------
Years later...

"Ano ba naman yan? Hanggang ngayon ba naman?" Tanong ng lalaki sa harap ko.

"Ano na namang mali?"

"Ikakasal na tayo pero bakit ang dumi na ng bulaklak mo?"

"Nahulog eh. Natakid kasi ako sa labas" pagrarason ko.

"Pati ba naman sa kasal natin attractive ka parin?"

"Nilalait mo ako o pinapakilig?" Tanong ko.

"Hmm.. Both?"

"Magpakasal ka sa sarili mo!"

Magwo-walk out na sana ako nang hinigit nya ako sa bewang.

"Dont make me kiss you right at this moment. Wala pang you may now kiss the bride" sambit nya.

"Ehem. Shall we start?" Anas ng pari.

And yes, were getting married. Simbang gabi may became an epic fail but not our love for each other.

That is so unexpected.

-zy_thorne

Stories of Every HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon