SEHB: SAVE ME A SEAT

76 5 0
                                    

SAVE ME A SEAT

"Zaldeia!"

"Bakit?"

"Ireserve mo naman ako ng upuan sa tabi mo."

"Ah sige" sagot ko at nagtungo na sa gym para sa seminar.

--------
"Zaldeia! Papasok ka na?" tanong nya.

"Oo."

"Ipagsave mo naman ako ng upuan sa tabi mo. Medyo malelate kasi ako" aniya.

"Ah sige"
----------
"Zaldeia! Papunta ka ng canteen?" tanong nya.

"Ah oo."

"Ipagsave mo naman kami ng upuan"

"Kami? May kasama ka?"

"Ah. Girlfriend ko?" aniya na kinabagsak ng balikat ko.

That's it! Taga-pagreserve lang ako ng upuan para sa kanya.

--------
Years later....

"Pupunta ka ba sa simbahan bukas?" tanong niya.

"Oo naman"

"Save me a seat beside you tomorrow" utos nya na ikinatawa ko.

"Hanggang ngayon ba naman?" tanong ko.

"Wala. Sinisigurado ko lang na dadalo ka sa kasal natin" aniya.

"Hindi ba't groom ang nauuna sa bride?" tanong ko.

"Oo nga ano? Pag kasama kita ay nabobobo talaga ako" aniya.

"Kaya pala sinabi mong girlfriend mo si Janna noon kahit na hindi naman" asar ko.

"Atleast nalaman kong gusto mo din ako di ba?" natatawang sambit nya.

"Ikaw naman ang magreserve ng upuan para sakin sa harap ng altar" seryosong sabi ko.

"Sige. Basta ipagreserve mo din ako."

"Ha? Ng ano?"

"Permanenteng espasyo dyan sa puso mo. Mahal kita binibini at handa akong gawin kang reynang magmamay-ari ng trono sa puso ko"

Korni mang pakinggan pero---- wala eh. Diyan nauwi ang pagrereserve ko ng upuan.

-zy_thorne

Stories of Every HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon