SEHB; LEGAL

140 11 1
                                    

LEGAL

"Maam, Ako po si Brix"

"What can I do for you Brix?"

"B-boyfriend po ako ng anak nyo"

Tumawa lang ang ginang sabay sabing..

"Talaga? And you think papayag ako? Well, pwede naman. In one condition" anito.

--------------
"Mama, may boyfriend na po ako" sabi ko sa mama ko.

"Talaga?"

"H-hindi ka galit?"

"No. Actually kinausap nya ako. And didn't he texted you?"

"Po?"

"May date daw kayo. Gosh! Baka akala nya ay ako na mismo ang nagsabi sayo! Hurry up! Magbihis ka na at pumunta ka sa Lidden Park"

At agad naman akong sumunod. Im expecting her to slap me pero hindi nya ginawa.

------------
Park

Naglalakad ako nang matanaw ko ang lalaking mahal ko na nakaupo sa bench. Isang ngiti ag pumaskil sa aking labi sabay sabi ng katagang:

"Sa wakas legal na kami"

Pero nawala ang ngiti ko nang may babaeng tumabi sa kanya.

Who the hell is that?!

Pinanood ko lang silang dalawa. Tila sayang-saya pa sila. Maya-maya ay umalis si Brix at nagtungo sa bilihan ng cotton candy.

Nilapitan ko ang babaeng kasama nya.

"Hello miss. Nakita ko kayo nung lalaking kasama mo kanina. Bagay kayo." nakangiting sambit ko.

"Ay. Salamat po"

"Boyfriend mo?"

"Hindi pa po. Nagulat nga po ako at niyaya nya akong makipagdate" sagot nito.

Maya-maya pa ay...

"L-laraine?" napalingon ako.

"Brix?" nakangiting bati ko.

"Look magpapaliwanag ako" aniya.

"No need. Hindi ako galit. Ayos lang. Ayos lang talaga" anas ko at tinalikuran na sila.

"Inutusan lang ako ng mama mo. Sabi nya papayagan nya akong maging boyfriend mo kapag nakipagdate ako sa iba" aniya

Lumingon akong muli at ngumiti sa kabila ng pagtulo ng luha ko.

"Mali Brix. Wag mong isisi sa mama ko. Di pa ba malinaw sayo? Sinubukan ka lang nya"

"Sinubukan?"

"Kung talagang mahal mo ko, di ka papayag sa kondisyon niya. Maipaglalaban mo ako pero hindi sa paraang ganito. Hindi sa paraang kailangan pa na lokohin mo ko." I said then walked away.

My mother really knows how to pick a man, not a boy.

He's brave enough to face my mom but not our fight. Napakahina ng pundasyon ng sinasabi nyang pagmamahal.

And yes, sa paraang ito ay parang naramdaman ko din ang sampal ng ina ko. She slapped me with reality.

-zy_thorne

Stories of Every HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon