Nahahaluan ng luha ang mga dugong umaagos mula sa katawan ko. Manhid na at hindi makadama ang aking sistema sa dami ng dugong nawala sa akin. Alam kong bibigay na ako kaya naman sa natitirang lakas ko ay pinilit ko pang makangiti.
Baka nga hanggang dito na lang, Asia.
Halo-halong emosyon ang aking naramdaman. Patuloy kong kinakausap ang aking sarili dahil sa kasiguraduhang ito na ang wakas. Hindi na ako makakabalik mula sa landas na aking tinahak. Hindi na sapagkat sa pagkakataong ito, pinuputol na ng nasa itaas ang buhay ko. Hindi na malinaw ang lahat sa akin. Ang pagtibok ng puso ko ay hindi ko na rin maramdaman.
"Asia Quantum."
Boses iyon ng isang lalaki. Ni hindi ko malaman kung saan nanggaling o kung guni-guni ko lamang sapagkat nanlalabo na ang paningin ko at nanghihina na rin ang aking pandinig.
It must be the devils ready to walk me on hell.
"Asia."
Muli ay ang malamig na boses iyon. Nakasisilaw man ang liwanag ng sumisilip na araw mula sa napakataas at napakatigas na batong aking kinabagsakan ay pinili kong magmulat. Hindi ko hahayaang masayang ang mga nalalabi kong segundo sa mundong ibabaw dahil sa kahinaan ko. Dumilim sandali ang dating liwanag. Napalitan iyon ng isang bulto ng lalaki. Sigurado akong lalaki iyon mula sa kaniyang istilo at awra. Tila ay tinititigan niya ang aking naghihingalong katawan.
It must be the grim reaper from hell.
"Sinusundo mo na ba ako, ha?" mahinang tanong ko sa bultong iyon. "One more second. Kahit masakit, titiisin ko muna. I want to see the last sunrise of my life."
Hindi sumagot ang lalaking iyon. Hindi rin siya kumibo. Kung makikita ko ang kabuuan niya, malamang ay nakaguhit ngayon doon ang isang nababagot na mukha habang nakikinig sa aking mga sinasabi.
"One more second, okay?"
Lumipas ang ilan pang mga segundo. Malapit na rin sigurong sumikat nang husto ang araw.
Sana kayanin ko pa.
"Marry me, Asia." sambit ng bulto ng lalaki. Hindi ako magkakamali na siya ang may-ari ng boses na kaninang paulit-ulit na tumatawag sa aking pangalan. "I'll take the pain."
Natawa naman ako nang mapakla sa kaniyang tinuran.
I must be dead by now for a grim reaper is wanting to marry me.
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantasyA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.