Inoobserbahan ko lamang ang lahat habang nakaupo ako ngayon. Unti-unti nang napupuno ang bulwagan. Halos lahat din ay nakaupo na. Kahit sa pag-upo at pagtayo ng mga ito ay halata mo ang pagiging organisado. Walang naghihiyawan. Walang tumatawa nang malakas habang nag-uusap. Para akong dumadalo ng isang pagdiriwang na sa panaginip ko lang naisip.
"Good evening, ladies and gentlemen. Please, let's all stand to welcome the King and Queen along with the Arcañum Supremus!"
Nagsitayuan ang lahat kaya naman napatayo na rin ako. I was expecting a grand entrance. Iyong tipo ng magmumula sa entrance sabay kakaway habang naglalakad ngunit nagkamali ako. Lahat sila ay nakatingin sa unahang bahagi kung saan may sampung mga magagarang upuan. May kalakihan ang dalawang upuan sa gitna. Biglang lumitaw doon nang sabay ang Hari at ang Reyna. And Dimitrie was right. The king has a scar on his face. Kahit na medyo may kalayuan ang kinatatayuan ko ay kapansin-pansin pa rin ang peklat na nasa mukha ng hari. Ang Reyna ay maamo ang mukha ngunit intimidating ang dating. Seryoso lang siyang nakatingin sa lahat. Mayamaya pa ay isa-isang nagsilitaw ang mga Supremu. Nauna si Rafaela sa pinakadulong bahagi habang sobrang ganda sa suot niyang red fitted gown. Seryoso lang din siya. Nagsunod-sunod na rin ang paglitaw ng mga Arcañum at ang huli ay si Dimitrie. Kaagad kong napagtanto sa ginawa nila ang kanilang posisyon sa palasyo. Ang pwestong ginawa nila ngayon ay according to birth from Rafaela to Dimitrie.
"Nakakatuwang makita kayong lahat, dressed really fine just to be in this important event of our kingdom's history. Ngayong gabi ay sabay-sabay nating malalaman kung sino ba sa inyo ang mapalad na siyang maikakasal sa aming walong mga anak." Ang Reyna ang nagsasalita habang hawak ng Hari ang kaniyang kamay. "You see, together with the King, sampung taon ang ginugol namin just to observe and really pick the ones that deserved to be the future rulers of Necrostate."
Napapakunot-noo ako habang sinasabi iyon ng Reyna. Lahat ay talagang nasa kaniya ang atensyon maliban sa mga anak nilang sa palagay ko ngayon ay mga lutang. Wala ang isip nila sa nangyayari at sinasabi ng mga mukha nilang ayaw nilang pumunta rito. Tiningnan ko naman si Dimitrie at nakita ko na hindi rin siya nakikinig sa sinasabi ng kaniyang ina. Kahit na malayo ako ay ramdam ko rin ang tensyon sa pagitan nilang lahat.
Family is really important in here.
Parang naaalala kong may binanggit sa akin na ganito. Hindi ko lang sigurado kung si Rafaela ba o si Dimitrie ang nagsabi noon sa akin pero sa nakikita ko, sa tingin ko ay hindi magandang example ang pamilya nila.
"As to officially announce who are those deserving to wear an Arcañum's ring, I, Queen Daffudale together with my husband King Russ, proudly welcomes you in witnessing history."
Nagpalakpakan ang lahat maging sina Mr. Halabama at Mr. Jacussi. Ako naman ay pumalakpak na rin ngunit mahina lamang.
"My second born, please step forward." Sambit ng hari. Matikas siyang nakatingin sa lahat. Seryoso namang nakatingin si Rafaela sa kaniya. Para bang walang pakialam. "Zeus Kae. Please, come meet your Queen."
Kaagad na nagpalakpakan muli ang lahat. Nakita ko ang isang grupo na hindi naman nalalayo sa amin ang nagsasaya. Doon ko nakita ang seryosong lalaking naglalakad patungo sa unahan.
"I am Zeus Kae, second Arcañum Supremu. Nice meeting you." Iyon ang sinabi ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantasyA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.