27: Truth

6.3K 355 8
                                    

Napabitaw ako sa pagkakahawak ni Dimitrie sa kamay ko. Dahan-dahang nagsink-in sa akin ang lahat. Narinig ko rin kaagad ang pagbagsak ng bote mula sa aking kamay. Hindi makapaniwalang napailing ako habang nakatingin sa lumuluhang mga mata niya.

"You took advantage of me, Dimitrie." Sambit ko kasabay ang halos paghagulhol. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko sa nakikita kong pag-iyak niya lalo sa harapan ko ngunit hindi ko rin naman mapigilan ang sariling emosyon ko. Gustong-gusto kong kumalma sa kabila ng mga nararamdaman ko ngayon but I just can't. Nag-uumapaw iyong mga emosyon ko. "You took me for granted...."

Nakita kong bumuhos na naman ang mga luha niya. Napailing siya sandali. Paulit-ulit at hindi magawang makapagsalita. Ni hindi niya sinubukang pigilan ako nang tumakbo ako papalayo sa kaniya. Maybe he knew I'll run away from him. He was prepared kaya naintindihan niyang nais kong umalis muna sa harapan niya. Nanlalabo ang mga mata ko sa nangyayari. Sobrang daming luhang bumabagsak mula sa mga mata ko. Habang tumatakbo ay kaagad na sobrang daming bagay ang pumapatay sa akin nang dahan-dahan. Iyong mga nalaman ko at nararamdaman ko ay sobrang sakit. Parang dinudurog nang paulit-ulit ang puso ko.

Napadaan ako sa may kusina kung saan naroroon si Rafaela. Nang makita niya ang hitsura ko ay tiningnan niya ako nang mapakla. Nagsalin siya ng alak na nangangalaghati na sa basong hawak niya ngayon.

"Try your best to understand him, Asia." Sambit niya saka sumimsim ng alak. Hindi siya nakatingin sa akin but she's talking to me. "He's just a broken hero."

Napailing ako nang mabilis saka pinigilang humagulhol sa sinabi niya. Sa bawat segundong lumilipas, lahat ng sakit at pighati ay nararamdaman ko na ngayon. Ni hindi ko na nga magawang humakbang pa papalayo. Sa pwesto kung saan ako natigil ay doon na rin ako napaupo dahil sa panghihina at hindi napigilan ang tuluyang paghagulhol.

"He took my love away so that h-he…can marry me? Is that why I fell for him that easy?" Tanong ko kay Rafaela. "Kaya ba ganoon kadali sa kaniyang iligtas ako?"

Parang binibiyak ang puso ko sa nararamdaman ko ngayon. Ang pighating hindi ko naramdaman noong mga nakaraang linggo ay ngayon pa lang umaatake. And the attack is painful as hell. 

"Tito Leon, Tita Helene, si Jupiter at ang Reyna, they are all gone." Kinakausap ko na ngayon ang aking sarili. "Half the people in the kingdom I belong, patay na sila ngunit ngayon pa lang ako nagluluksa? How? H-how?"

Tahimik na tumutulo ang luha ko habang nakaupo lamang sa malamig na sahig. Nang tingnan ko si Rafaela ay may luha pa rin sa kaniyang mata. Siguro ay dahil pa rin iyon sa away nila ni Dimitrie.

"You're destined to be married to him, but the process is painful, Asia. Don't hate him." Sambit niya.

Napangiti ako nang mapakla sa kaniyang sinabi. Paulit-ulit na napapailing. Niloko ako ni Dimitrie. Ang sabi niya, he took all the pain just by marrying me. Ang totoo pala, he took my pain along with my love for Jupiter kaya kaagad siyang nakapasok sa puso ko. That's the sacrifice Rafaela had told Dimitrie before. He made me believe he's a hero, but he is a culprit for lying to me.

"I can survive that death without him marrying me, right?" Bumibigat ang dibdib ko sa tanong ko kay Rafaela. "He just used that excuse for me to be with him and this world. I should have woke up from that almost death without being married and walk back again to my kingdom. Hindi sana ako nanghuhuli at kumakausap sa mga multo ngayon. He toyed with me."

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon