"Hoy, Asia! Baka naman matunaw na ang kuwintas na iyan?" Nakatikim ako ng hampas sa likuran ko mula kay Helia. "Napakaarte nito oh. Hindi makamove on sa kilig. Isumbong kita kay Papa na nakipaghalikan ka kay Jupiter, e."
"Stop it, Helia!" kaagad kong tinabunan ang kaniyang bibig. "Tito Leon will kill me if you keep on talking about that!"
Nagpumiglas siya at mabilis na natanggal ang nakatabon kong kamay sa mukha niya. Nagpakawala siya ng isang nakakalokang pagtawa at tiningnan pa ako nang makahulugan.
"E talaga namang nakipaghalikan ka kay Jupiter kahapon-"
"Stop! Alam mo namang ayaw ni Tito Leon ng ganoon. He even warned Jupiter kahapon nang makita niya na naman kaming magkasama galing sa bubong ng palasyo. Pinagbantaan siya ng Papa mo."
"Tss ano ka ba, ha? Malamang magagalit iyon dahil babae ka pero siyempre hindi mo naman mahihindian ang kapogian ni Jupiter, ano? Saka isa pa, Asia, siya lang naman ang future na hari ng Ivystate. Ito man ang pinakamaliit na kaharian, surreal ang feeling noon kasi hari pa rin siya. Kaharian ang pinag-uusapan dito. Tatanggi ka pa ba e sa pangit mong iyan e nagustuhan ka ni Jupiter?"
"Huwag ka sanang i-crush back ni Prince Ace. Sisiraan kita sa kaniya. Sasabihin kong humihilik ka sa pagtulog, tumutulo ang laway mo, more things para hindi niya maisip na magkagusto sa'yo."
Kaagad akong binato ni Helia ng unan matapos kong sabihin iyon. Ako naman ay bumawi ng pagtawa. Matagal na niyang gusto si Prince Ace, ang ikalawang anak ng Reyna but he have that rock-hard persona. Walang magtangkang makipag-usap dito ngunit siya kadalasan ang usap-usapan ng mga kababaihan sa kaharian more than the three princes. And yes, isa doon ang matalik kong kaibigan doon. Muli kong kinapa ang kwintas ko. Kumuha pa ng maliit na salamin para makita ang repleksyon noon. Sobrang ganda talaga nito.
"Pero sa tingin mo ba ay magugustuhan ni Jupiter ang regalo ko? I mean he got me this amazing necklace tapos ang sa akin ay isang hamak na bracelet."
"Parang tanga 'to. Malamang magugustuhan niya iyan dahil ikaw mismo ang naghabi niyan. Saka isa pa, the effort is the one that counts hindi kung gaano kamahal o kaganda ang regalo."
Tumayo na ito matapos ang sinabi niya.
"Mauna na akong maligo na ha? Baka dumating na rin ang sundo natin-"
"May sundo tayo?"
"Malamang sa ganda kong 'to?" napakayabang na sambit niya. "Malamang ay hindi hahayaan ni Papa na maglakad ako papunta sa palasyo. Duh."
"Whatever."
Napailing na lang ako nang pumasok siya sa paliguan. Sa iisang kuwarto lamang kami magkasama ni Helia dito sa bahay nila. Siya ang may gusto noon dahil takot siyang mag-isa kapag natutulog. Binuklat ko ang maliit na kahon sa gilid ko kung saan nakalagay ang ireregalo ko kay Jupiter. Tinitigan ko pa iyon sandali. Pag-uwi namin kahapon nina Tito ay kaagad ko itong hinabi. Kumpara sa regalo niya, walang-wala ang regalo ko.
Magugustuhan niya kaya ito?
Makalipas ang halos kalahating oras ay lumabas mula sa paliguan si Helia. Nakabalot ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya.
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantasíaA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.