May ilang beses na kumatok nang marahan sa pinto kaya naman kaagad akong napabuntong-hininga. Pinalakas ko muna ang aking loob saka mabilis na napangiti.
"I'm coming!" Sigaw ko nang nakangiti.
Kaagad naman akong tuminging muli sa napakalaking salamin sa harapan ko. Doon ko nakita ang napakaganda kong repleksyon. Suot-suot ko ang isang puting gown na kumikinang nang dahil sa mga mamahaling batong nakadikit doon. Bawat detalye nito ay maingat na pinatungan ng mga mamahaling bato. Dahil sa disenyo nito na si Mr. Jacussi ang responsable ay namangha ako nang sobra. Hindi ko akalaing nay ganoong talento siya. Litaw na litaw ang kurba ng aking katawan. Ang tabas din ng damit ay animo ay proud na ipinapakita ang aking leeg kung saan naroroon ang kwintas na mula kay Jupiter. Ang deep v-line nito ay nagpakita ng kaunting dibdib habang takip na takip naman ang likod ko. Kung anong revealing nito sa unahan lalo na at may mahabang slit ito sa magkabilang gilid ay siya namang balot na balot sa likod. Imbes na mataas na heels ang suot ko, mas pinili kong muling magsuot ng puting rubber shoes. Just what Helia and I always do. But since Mr.Jacussi is my designer, siya rin ang namili ng sapatos and I was shocked nang ang sapatos na ipinasuot niya sa akin ay terno ng damit ko. Sobrang ganda at simple ng dating nito kahit na rubber shoes iyon.
Today is the day where the competition will start. Isang linggo na ang nakalipas at sa isang linggong iyon, Dimitrie personally trained me like I am one of his warriors. Sa loob din ng isang linggong lumipas ay hindi nagpakita si Rafaela. Tinotoo niya talaga ang sinabi niyang sa kompetisyon na lang kami magkikita.
"What's taking you so long, wife?"
Kaagad akong napalingon kay Dimitrie. Napatitig ako sa kaniya habang animo ay slow motion siyang naglalakad papalapit sa akin habang nangingibabaw ang kagwapuhan sa suot niyang puting tuxedo…or am I the only one imagining that he's in a slow motion?
"You look daring as fuck." He said. Napangiwi pa siya nang bahagya. "Did Mr. Jacussi design this dress?"
"Oo. Ayaw mo ba? Maaga pa naman maybe I can wear something more-"
"No, wife. You're beautiful. It's your body. Though I want it exclusively mine, flaunt your perfection. It doesn't matter if you are wearing something casual, formal, or even daring gowns like this. Let them see your confidence and die out of insecurity. If they question how you dress, salute them your middle finger."
Hindi ko inaasahan ang ganitong sagot niya. Most of the guys wouldn't be like this. Parang kinukunsinti niya ako in a good way of thinking pero parang mali rin nang kaunti. Ewan ko ba.
"So, are we ready?" Tanong pa niya saka iniabot sa akin ang kaniyang kamay. "Come here. Let me kiss you."
Napangiti ako kakaagad saka mabilis na lumapit sa kaniya. Pinaikot niya pa ako nang marahan sa kaniyang harapan. Para bang tinitingnan niya ang kabuuan ko. Matapos iyon ay kaagad niya akong niyakap.
"Ang ganda mo, wife." He said saka marahan akong hinalikan sa aking noo. "How I wish that I can hold your hands and proudly present you to all of them while going to the competition."
Tiningnan ko lang siya nang natatawa. Kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang panghihinayang yet alam naming mas makakabuti ang hindi kami magkasabay sa pagpunta sa main land o sa palasyo nila para sa kompetisyon. Iilang tao pa lamang ang nakakaalam na kasal na kami and if they'll know, hindi ko alam kung anong aasahan ko.
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantasyA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.