53: Fights

5.6K 303 15
                                    

Katahimikan muli ang naririnig sa hapagkainan. Ang magkakapatid ay kumakain nang hindi nag-uusap. Ang Reyna naman ay nakatingin lang sa bawat galaw ng kaniyang mga anak habang ang hari ay nagkakape. Wala namang bago sa ganitong eksena nila. Hindi na rin ako umaasang may magbabago lalo pa sa pakikisama ng lahat.

They are Arcañums.

Kinudlit ako sandali ni Dimitrie at nakita kong may isinusubo siyang isang kulay berdeng ubas sa akin. Kaagad ko namang kinain iyon at napangiti siya sa ginawa ko.

"So, no one will dare to talk to me now?" Napapangiti ang Reyna. "Asia, the boxes? Where are they?"

Napalingon ako sa Reyna at saka napatigil sa pagnguya. Kaagad din akong lumingon kay Dimitrie sapagkat hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa Reyna.

"It is somewhere safe. Don't worry, ina."

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, Dimitrie. I am asking your wife."

Hindi na sumagot pa si Dimitrie at napatingin na lang sa Reyna. Umiling ito nang ilang beses saka kumain na lang ulit. Ako naman ay napangiti sa Reyna.

"It's in our room po." Sambit ko na lang as an excuse kahit ang totoo ay hindi ko naman alam talaga kung nasaan nilagay ni Dimitrie.

"So, you're planning to sleep in that same room habang may walong ulo kayong kasama? How ridiculous."

"Kakain ba tayo o mag-aaway na naman ulit?" Si Dencio ang biglang nagsalita. Sumimsim siya ng tubig sa baso saka napatingin sa aming lahat. "I mean kung ganito lang palagi ang eksena natin, better just deliver food in our room. Ayaw kong kumakain nang ganito."

Nanahimik ang lahat. Batid sa tono ni Dencio ang masamang mood. Hindi maganda ang kaniyang timpla ngayon. Napapatingin na lang dito si Hasmyne. Napansin ko rin na may sugat pa rin ito sa kaniyang kaliwang pisngi. It's not yet healed.

"Why in such a mood, Dencio? Hindi ka ba nakascore?" Si Roullete ang tumawa at nagsalita na kaagad sinang-ayunan na naman ni Dallyx na kapwa tumatawa rin. "I mean don't be so bitter. Napapaghalataang pumapait ang buhay mo."

"Kung pumapait ang buhay ko, that is because I was born in this life." Asik ni Dencio na kaagad na napatayo.

Nagdabog ito na maging dahilan ng pagkabasag ng basong kanina lang ay iniinuman niya. Napakagat-labi si Hasmyne at napatingin sa Hari at Reyna na para bang nahihiya.

"Please forgive my husband's attitude. I'll talk to him."

"Don't bother. Hayaan mo siyang umalis, Hasmyne." Sambit ng Hari. Sa pagkakatong ito ay siya naman ang nagsalita. "You are his Queen and not a butler. It's not your job to do that."

Sumimsim muli ng kape ang Hari bago kumain. Ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos din ang hapunan. It was almost perfect. Kumpleto na sana silang lahat kung hindi lang nag-walk out si Dencio.

"Wife, tara na."  Si Dimitrie na ngayon ay nakatayo na kagaya ng iba pa.

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon