45: Begin

5.6K 340 19
                                    

Nang maputol ang halik ay nagpatuloy ang hiyawan. Ang sunod kong nakita ay ang walong parisukat na para bang blueprint sa aming itaas. Nakalinya iyon na kagaya naming lahat. Binasa ko kung ano ang nakasulat doon.

"Ninth Arcañum Supremu: Asia Quantum Arcañum. Points: 0."

The others have the same.

"Well, the competition already started." Sambit ni Dimitrie sa akin at muling hinalikan ako sa aking mga labi. "I'm sorry for this. And yes, you look wonderful in every colour but you look amazing in white, wife."

Hindi na siya galit. Nakapagtataka ang sinabi niya at kaagad kong nalaman ang ibig niyang sabihin. Sa isang kisapmata ay napunit niya ang wedding gown na suot ko. Narinig ko ang pagkahulog ng mga diyamante mula roon. Pati ang bulaklak na hawak ko ay itinapon niya at tinanggal din ang veil ko. He ruined half of the dress at nang matapos siya sa pagpunit noon ay ngumiti siya sa akin.

"Run." He said.

Mabilis na may liwanag na nakita ako sa itaaas. Malawak na bilog iyon na mukhang kahit anong oras ay mawawala na rin. Tatlong segundo ang nakalipas ay may walong malalaking lubid ang nagmula doon. Hinawakan ni Dimitrie ang kamay ko and I knew what he meant by run. Natanggal ko naman ang heels ko bago tumakbo sa kaniya. Sobrang bilis ng pagtakbo niya na halos madapa na ako.

"Hold my hand tighter." Dinig kong sambit niya.

Kaagad ko naman siyang sinunod. Mayamaya pa ay tumalon siya. Pagkataas-taas noon at naabot niya ang isa sa walong lubid. Doon ko na nakitang isa-isang tumatalon ang bawat pares patungo sa pag-abot sa lubid. Nakita ko pa si Devion at si Nicole na kumakaway sa amin. Nicole is still on her wedding gown at nagawa pang ihagis ang bulaklak niya sa baba na tuwang-tuwa pa.

Napatingin ako sa baba kung saan naiwan ang mga nagsisigawang nasasakupan. They really are prepared to watch this competition. Bago pa man ako makatingin ulit ay nalamon na kami ng liwanag. Ang sunod kong nakita ay ang pagbaba namin sa isang tila walang katapusang espasyo kung saan may mga malalaking bula ang nakalutang. Lumapit ako sa isa sa mga bula at napagtantong hindi ordinaryo ang bulang iyon.

"Millions of weapons are in this sacred portal of the Arcañums. Only those who have the Arcañum rings can enter and exit here. Every competition, one must find their weapon." Pagpapaliwanag ni Dimitrie.

Namangha naman ako. Mas lalo ko pang tinitigan ang isa sa mga bulang nasa harapan ko. Sa loob noon ay makikita ang maliit na pulang singsing na hindi ko alam kung ano.

"But be careful, wife. You may have the ring, but these bubbles are powered with something special. Find your connection then prove that you can have it."

"Pero sobrang dami ng mga ito. How can I know that it's the one?" Kaagad kong tanong sa kaniya.

"There are millions of us, too." Kaagad siyang nakalapit sa akin. "But you found me."

Napatango ako nang natatawa sa kaniya. I see what he did there. Napailing na lang tuloy ako.

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon