Hindi nagkamali si Dencio sa kaniyang sinabi. Hindi nga nagtagal ay nakita kami ng mga bantay ng border. Ngayon ay may dalawang lalaking nasa harapan ng aming sasakyan. It's only been a minute nang makarating kami sa border at kaagad nila kaming natunugan. Masama ang pagkakatingin nila sa amin habang si Dencio ay prente lang silang tinitingnan.
"They are here. Sana naman may maganda silang gagawin to make me entertained. Sitting here all day is making me bored as fuck." Pagrereklamo ni Dencio.
Magkasabay na naglakad ang dalawang lalaki patungo sa may unahan ng sasakyan. Kinatok nito ang salamin na ang ibig sabihin ay pagbuksan sila. Pinaunlakan naman ni Dencio ang kanilang hiling. Ang binuksan niya lang ay salaming nasa gilid niya.
"The chiefess is expecting you." Ang isa sa malamig na boses.
Chiefess?
Nagkatinginan lang kaming apat bago bumaba ng sasakyan. Isinama kami ng dalawang lalaki patungo sa border kung saan hindi kalayuan ay matatanaw ang isang animo ay village. Kitang-kita ang mga ilaw ng bawat bahay doon mula sa dilim. Mukha ring may mga tugtugan mula roon. Ito na siguro ang sinasabi ni Dencio kanina bago kami makaalis ng Necrostate. Ang village sa loob ng kaharian na ini-isolate ng Hari. Habang naglalakad kami papasasok doon ay nakikita kong medyo may pagkaweird ang mga naririto. Ang mga tingin nila ay hindi ko maintindihan kung kinikilatis ba kami o sadyang normal na ganoon ang paraan ng kanikalang pagtingin sa amin. Nakarating naman kami sa isang bahay. Ito na yata ang pinakamalaki sa lahat. May dalawang bantay sa may pintuan na siya ring nagbukas nito ng kami ay papasok.
Nadatngan namin ang isang piging sa loob. Kaagad kong napagtanto na ang sinasabi ng dalawa na Chief ay ang isang malaking lalaking nakaupo sa mataaas na upuan habang kumakain sa hapag. May koronang gawa sa mga tinik at bulaklak ang nakapatong sa kaniyang ulo. Napansin ko ring sobrang dami ng mga pagkaing nasa mesa.
"Welcome, Necrostate's royal bloods." Sambit nito saka tumayo sa kaniyang kinauupuan.
Siya mismo ang sumalubong sa amin. Siya mismo ang nag-alalay upang maupo kami sa hapag. Nagkatinginan naman kami nang pumalakpak ito at ilang babae ang lumabas mula sa iba't ibang direksyon ng kinaroroonan namin. Ang bawat isa ay may dala-dalang mga bowl ng pagkain. Sa akin natapat ang isa. Sa may harapan ko inilagay ang isa sa mga bowl na kaagad kong ikinapagtaka. Isang bowl ng mga uod ang nakikita kong nakahain doon. Hindi ko sigurado kung tama ba ako ng tingin o hindi.
"Oh, this looks amazing." Si Dencio.
Kahit nasa kabilang direksyon siya ay nagawa kong tingnan ang laman ng bowl na inilagay sa kaniyang tapat. Magkaparehas lang ang laman noon at ng sa akin. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o sarkastiko sa kaniyang sinasabi.
"Narinig ko mula sa Hari at Reyna ang inyong pagdating at hindi naman namin papalagpasin ang pagkakataong ito upang hindi kayo salubungin nang maayos." Ang Chief pa rin ang nagsasalita.
Tinititigan kong maigi ang kaniyang mukha. He looks fine ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba. It's weird that he looks more like a pig to me.
"Well, I am glad we are welcome, Chief. Hindi rin kami magtatagal dito. The King and Queen is waiting for us." Si Dimitrie ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantasyA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.