Napatakbo ako hindi ko pa man lubusang nakikita ang hitsura ng tumawag sa akin. Basta sa aking persepsyon, hindi siya ordinaryong multo lamang. Tatlo ang kaniyang ulo ayon sa pagkakakita ko. Kahit pa nga naguguluhan ako at hindi alam ang tatahaking daan ay tumakbo pa rin ako nang tumakbo. Hindi pa nga nagliliwanag ay ganito na kaagad ang bumungad sa akin.
"Why is that fucking ghost so weird?" Tanong ko sa sarili ko nang matigil ako't makapagtago.
Humihingal akong napasandal sa mga sementadong nitso. Huwag naman sanang may mga nakatira rin dito kung hindi ay baka atakihin na talaga ako sa puso. Maya't maya ang aking pagsilip para lamang makita kung nakalampas na ba ang multong tumawag sa akin. To my surprise, nakita ko siyang naglalakad nang marahan sa gitna ng sementeryo. Doon ko napagmasdan ng lubusan kaniyang hitsura. Hindi pala tatlo kung hindi lima. Lima ang ulo nito. Magkakamukha ang mga mahahaba nitong mga mukha at mahabang itim na buhok. Ang limang ulo nito ay nakakabit lamang sa iisang katawan na animo ay liliparin ng hangin sa sobrang payat.
"What the hell is that?" Tanong ko sa sarili ko habang naguguluhan sa nangyayari.
"Sila ang tinaguriang soul eaters ng sementeryo. Nangangain ng mga kaluluwa upang manatili ang kanilang buhay. Magkakapatid silang lahat." kilala ko ang boses na iyon kaya naman hindi na ako nag-abala pang lingunin siya.
"Magkakapatid? Ang ibig mong sabihin, magkakapatid ang mga ulong iyon?"
"Hindi sila ulo lamang." Doon ay napalingon na ako sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin, Lilia?"
"Hanapin siya! Mabango ang kaniyang amoy. Malamang ay makapangyarihan ang kaniyang kaluluwa. Kapag nakain natin siya ay maaari tayong magpahinga ng ilang taon." Dinig ko ang sinabi ng nasa gitnang ulo kahit mahina na ang dating noon dito sa aming pwesto.
Sandali ko pang inobserbahan ang ginagawa nito. Sa pagkabigla ko ay natabunan ko ang sarili kong bibig. Unti-unting humiwalay ang bawat mga ulo sa iisang katawan hanggang isa na lamang ang matira doon. Tama nga si Lilia. Lima sila at hindi iisang katawan lamang.
"Sila ang pinakaiiwasan sa sementeryong ito. Hindi ko nga alam kung bakit nasa labas sila gayong hindi pa naman panahon ng kanilang pagkain."
"Wow. May schedule?"
Nangunot ang noo ni Lilia sa tanong ko. Hindi na lang niya ako sinagot saka sabay na kaming nag-obserba sa ginagawa ng mga multong tinataguan namin. Nakita kong ang isa sa kanila ay may dinukot sa isang nitso. Isang maliit na kaluluwa na nilunok nitong parang maliit na pagkain lamang.
"Masyado kang garapal, Serpintina. Hindi mo ba narinig si Azuzena? Hanapin natin ang babaeng mabango ang amoy. Minsan lamang tayo makaamoy ng ligaw na-"
"Inuustusan mo ba ako, Ferlinda?" asik ng tinawag na Serpintina. "Bakit hindi ka na lang gumawa ng gusto mo? Kumain ka kung gusto mo. Sumunod ka kay Azuzena kung gusto mo. Wala akong pakialam doon."
Dinig na dinig ang kanilang pag-uusap. Mukhang mag-aaway pa sila.
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantasíaA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.