Kaagad akong napatakbo upang habulin kung saan man dadalhin ng itim na kamay na iyon si Lilia. Kahit pa nga kinikilabutan ako ay hindi ko mapigilang sundan siya kahit pa nga aware rin ako sa katotohanang masamang multo ang may hawak sa kaniya. Sa pagnanais kong masundan sila nang buong husay ay hindi ko namamalayang sa bawat pagtakbo ko ay papasok ako nang papasok sa gitna ng sementeryo. Padilim din nang padilim at ang pagkabali ng maliliit na sangang nakakalat doon lamang ang mga naririnig ko maliban sa huni ng mga hayop sa paligid.
"Fuck." sambit ko nang mapagtanto kong wala na pala akong hinahabol.
Nawala sa paningin ko si Lilia at ang humila sa kaniya. Ngayon ay mas lalo lamang lumala ang sitwasyon. Nasa tila ba ay pusod na ako ng sementeryo. Karamihan sa mga nakikita ko ay lumang mga puntod at nitso. Nangangamoy kandila pa na dumagdag sa takot ko.
"Magandang gabi." Isang malamig na boses ang lumapat sa may batok ko na kaagad ikinataas ng mga balahibo ko sa katawan. Ang boses ay tila ba nang-aakit sa kabila ng simpleng mga salita. "Napakaganda mo para maligaw sa lugar na ito."
Nakailang lingon na ako upang hanapin ang nagsasalita ngunit hindi ko iyon makita. Bagkus ay palamig lamang nang palamig ang nararamdaman ko. Maaaring hindi nakikita ng mga mata ko ang nagsasalita ngunit alam kong napakalapit nito sa akin.
"Magpakita ka sa akin." mahina at halos manginig kong sambit sa ere. "Hindi ako takot sa iyo."
Sa oras na matapos ko ang pagsasalita kong iyon ay kaagad na may lumitaw sa harapan ko. Isang lalaking may kulay asul na mga mata. Ang unang napansin ko sa kaniya maliban sa mata niya ay ang pagkakalutang niya nang ilang dangkal mula sa lupa. Halos masilaw din ako sa puti ng katawan niya na halos maging ilaw ko ngayon.
"Ang unang lumalabas sa bibig ng isang takot na binibini ay ang salitang hindi siya takot. Kung gayon, ikaw ay nakakaramdam ng pagkatakot lalo na sa oras na ito." napakalamig talaga ng boses ng lalaki.
"Nasaan si Lilia?" iyon agad ang tanong ko sa kaniya. "Saan mo siya dinala-"
"Hindi ka maaaring magkaroon ng emosyonal na koneksyon sa isang multong kagaya niya, Arcañum. Makakasira iyon sa iyong mga haharaping hakbang. Ikaw ang kabiyak ng aking lider. Dapat lamang na gawin ko ang aking parte."
"Hindi kita maintindihan." sambit ko.
Sa hitsura niya ay hindi siya ang tipo ng multong hindi nakakatakot ang pisikal na hitsura sa kabila ng katotohanang lumulutang siya sa harapan ko.
"Ako ang inatasang magbantay sa sementeryong tirahan ng mahigit sampung libong mga kaluluwa. Trabaho ko ang magbantay kung may lalabas ba ng sakop nito at kung mayroon man ay ipagbigay alam kaagad ito sa ninth Arcañum Supremu-"
"Kilala mo ang-"
"Oo."
Kaagad akong natigil sa pagputol niya sa sasabihin ko. Tss. Sa susunod ay hindi na ako magtatanong kahit kanino kung kilala ba nila si Dimitrie. They all just answer the same thing.
"Doesn't matter. Saan mo inilagay si Lilia-"
"Sa lugar kung saan hindi mo siya makiki-"
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantasyA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.