Hindi ako lumabas ng kwarto matapos ang nalaman kong iyon. Nakakabagabag at nakakaiyak na sa isang iglap, pagmulat ko mula sa nakakatakot na karanasan ay isang nakakatakot na pangyayari na naman ang sasalubong sa akin. Kasal na ako sa isang necromancer. Hindi lang basta necromancer kung hindi isa siya sa mga anak ng mga Arcañum.
Hinayaan naman ako ng Prinsepeng magmukmok sa silid. Ni hindi na rin ako pinag-aksayahan pa ng oras tanungin kung bakit sapagkat alam niyang ako ay nabibigla. Ang tanging nasa labas lamang ngayon ay ang dalawa kong butler na nagbabantay. Napatingala ako. Lumuluha pa rin dahil hindi ko matanggap ang mga nangyayari. Ang sakit isipin. Paulit-ulit kong tinitingnan ang singsing na mukhang napakaimposibleng tanggalin sa daliri ko. Singsing dapat ni Jupiter ang naririto ngayon at hindi ang singsing na ito.
Sobrang daming tanong ang nasa isip ko. Paanong nakasal ako sa isang Arcañum? Paanong siya ang nakapulot sa akin? Paanong sa Necrostate pa ako napunta? Gusto kong sumigaw ngunit mas piniling huwag na lamang. Kung tutuusin ay dapat pa nga akong magpasalamat sa kaniya sapagkat hanggang ngayon ay buhay pa ako. Pero kung malalaman kong ang kapalit ng paglitas niya sa akin ay ang makasal sa kaniya, dapat ba akong magpasalamat?
Nahiga na lang ako. Pilit na huwag mag-alala ngunit hindi rin nagtagumpay. Naiinis ako sa aking sarili sa pag-iyak.
"You gave your ring to a trespasser? Gago ka ba, Dimitrie?" Isang galit na boses ang narinig ko. Boses babae iyon.
Hinanap ko ang nagsalita sapagkat sa pakiramdam ko ay nasa loob lamang iyon ng silid. Sobrang lapit lamang sa akin ngunit hindi ko makita kung nasaan.
"Hindi ka ba nag-iisip, ha? What would be their reaction kapag nalaman nilang nagpakasal ka sa isang kriminal, ha?"
"I don't need their opinions, Rafaela."
Ang malamig na boses iyon ni Dimitrie. Sigurado ako sa narinig ko. Ngunit bakit dinig na dinig ko iyon? Nasaan ba sila? Bakit tila ay napakalapit lamang talaga nila sa akin?
"Hindi but they'll tell you their opinions anyway! Siraulo ka na rin yata, e. How could you give your ring to someone unknown, ha? Alam mo naman kung gaano kahalaga ang ibig sabihin niyang singsing na ipinamigay mo. It will drag you down in the competition!"
"Hindi ko naman balak na makuha ang koronang iyon, Rafaela. Saka isa pa, you're technically the next heiress. Bakit ako makikipag-awagan sa isang koronang bibigyan lamang ako ng sakit sa ulo? I'll just stay here in my bed--- Ah tangina!"
Sa pagsigaw na iyon ni Dimitrie ay halos mapatalon ako sa higaan. Hindi ko inaasahang mula sa harapan ko ay lilitaw siya maging ang isang babaeng sobrang ganda. Animo ay siya ang babaeng bersyon ni Dimitrie. May kulay asul siyang mga mata at nakabibighaning mukha. Para silang pinagbiyak na bunga ni Dimitrie. Ang pinagkaiba lamang nila ay ang katotohanang si Dimitrie ay isang lalaki at siya ay hindi. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya.
Sino siya?
Tumingin nang tinatamad sa akin si Dimitrie habang hindi makapaniwalang nagmumura ang kaharap niyang babae. Bakit ganoon? Hindi nakakainis pakinggan ang mga pagmumura niya? Ito na siguro ang pinakamagandang eksplanasyon kung bakit napakalapit ng mga boses sa naririnig kong usapan. All along ay nasa loob sila ng silid kung saan ilang oras na akong nagmumuni-muni. Ngayon lang sila lumitaw.
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantasyA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.