58: Operation

5.5K 311 6
                                    

Sa sinabing iyon ni Rafaela ay kaagad akong napabangon. I am pretty sure na hindi siya nagbibiro at ang boses ni Queen Naomi is just inside my head. Naghihingal akong tumayo. Muntik pa nga akong matumba dahil sa pagkabigla. Para bang nareset na naman ang katawan ko.

"Where are they?"

Tiningnan ako nang naiiling ni Rafaela. Sa hitsura niya ay hindi na siya galit kagaya nang huling naaalala ko ngunit naghahalong pagkadismaya at inis ang ipinapakita niyang reaksyon. She's even dressed na hindi ko alam kung para saan. Hindi iyon ang normal niyang pormahan. Normally she's wearing some flashy clothes paired with shining earings made with priceless stones but now she's wearing an armoured dress.

Hindi ko maintindihan. Bakit ganito ang kaniyang suot?

"The competition is now over. All the people of Necrostate are in high alert."

Naningkit ang mga mata ko. Sandali kong pilit iniintindi ang mga nangyayari.

"Teka, how long have I been asleep? Bakit magaling na ang katawan ko? Why can't I feel pain? Where is my husband?"

Sunod-sunod ang naging tanong ko kay Rafaela at napatawa siya sa hitsura ko.

"Asia, you've only been asleep for just an hour yet marami na ang nangyari. The war already broke. The King and Queen of Techstate sent my father a message along with a healing machine. They said they are alarmed because of the attacks. Dalawang kaharian na ang bumagsak. Sinundo na rin ni Dimitrie ang lahat ng mga nakaligtas na mga nasasakupan mo."

Napakunot na naman ang noo ko. Techstate? Sinundo?

"W-what?"

Napailing si Rafaela saka sa isang kisapmata ay napunta kami sa bulwagan. Kagaya ng sinabi niya ay nandirito nga ang mga natitirang mga tao ng Ivystate.

Pero paano?

Kaagad na hinanap ng mata ko si Dimitrie ngunit bago ko pa man siya makita ay may babaeng yumakap sa akin. Si Helia iyon na kaagad kong niyakap pabalik. Litong-lito ang kaniyang hitsura nang kausapin niya ako.

"Boo, what's going on? Nang umalis kayo may iniwang sulat sa akin ang asawa mo na ang sabi ay imemeet mo raw kami sa border ng kaharian kasama lahat ng mga nakaligtas. Really, anong nangyayari? I don't want to believe him because he was rude to me, but he talked to the Delegates himself at pinagkatiwalaan siya kaagad. Your husband told us we are safer in this kingdom."

Nagtataka ang mukha ni Helia. Gumuguhit ang takot sa kaniyang mukha. Sa nangyari ay tuluyan na rin akong napansin ng mga nasasakupan ng Ivystate. They smiled at me ngunit hindi maipagkakaila ang kanilang mga takot na nararamdaman.

"I don't have any time to explain, boo. Pero from what I know, inatake na rin ang Shiftingstate. The one that attacked our kingdom, iyon din ang umatake sa kanila."

"Ha? Bakit? May hindi ba kami nalalaman?"

"Si Dimitrie, nakita mo ba?"

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon