Nagising ako nang alas onse nang umaga dahil iyon nang tapikin ako ni Hasmyne sa aking binti. Tiningnan niya ako nang walang emosyon saka sinenyasang lumabas na. Nakatigil na pala ang sasakyan.
"Get out or you'll starve." Asik niya.
Nginitian ko siya na medyo pilit. Hinanap kaagad ng mata ko si Dimitrie. Nakita ko siyang nasa labas ng sasakyan. Halos katabi niya lang si Dencio. Nasa harapan din kami ng isang napakalaking pamilihan. Hindi iyon kagaya ng pamilihan sa Ivystate. Sobrang ganda nito. Animo ba ay parte ito sa loob ng palasyo.
"Nasa Necrostate pa rin tayo, 'di ba?" tanong ko kay Hasmyne.
"Of course." She hissed.
Bumaba na rin siya ng sasakyan kaya naman sumunod na rin ako. Pumunta ako sa kinatatayuan ni Dimitrie. Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko saka ngumiti sa akin.
"Oh, you are up. Are you craving for anything? Gabi na tayo bago makarating sa may border ng Darkstate kaya kailangan mo ng makakain."
Tumango na lang ako kay Dimitrie. Sabay-sabay kaming pumasok sa pamilihan. Hindi ko naman inasahang may nakahilera doong mga animo ay warriors kung sa amin iyon. Organisado silang bumati sa amin.
"The eighth and ninth Arcañum Supremus are here along with their wives!" Sambit ng isa.
Nakuha niya ang atensyon ng lahat kaya naman kakaagad na tumingin sa amin ang mga naroroon. Lahat sila ay napangiti ngunit ang iba ay halata mo ang pagiging hindi komportable.
"We're just here to grab food. There's no need for this." Si Dencio.
Napansin kong para bang alerto ang mga naririto. Baka ay dahil iyon sa pagtataas ng Reyna sa kaniyang utos. Hinayaan ko lang na si Dimitrie ang pumili ng mga pagkain. Pinapanood ko lang siya kasama ang kaniyang kapatid. Si Hasmyne naman ay humiwalay sa amin sandali at nang magbalik ito ay may dala-dala na itong dalawang supot. Malamang ay pagkain iyon.
"What?" Asik niya sa amin nang sabay-sabay kaming tumingin sa kaniya. "Do I have a dirt on my face?"
"Tsk."
"Let's go. We must keep moving." Si Dimitrie.
May dala na siyang dalawa ring kulay asul na supot. Iyon ang mga pagkaing nagustuhan niya. Wala naman akong partikular na gustong pagkain ngayon kaya ayos lamang. Bumalik na rin kami sa sasakyan. Ganoon pa rin ang aming pwesto bago muling lumulan ang sasakyan. Binuksan ko ang isa sa supot na dala ni Dimitrie. Naglalaman iyon ng ilang cookies. Masaya ko namang kinain iyon.
"May naamoy ba kayong pabango?" Isang oras ang nakalipas ay tanong ni Dencio. "I mean I am sure na hindi ako iyon at si Hasmyne. It might be the two of you."
"No. Hindi ako nagpabango." Kaagad kong sambit.
"Smells like lavander." Si Dimitrie.
Lavander?
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantastikA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.