49: Trust

5.8K 322 3
                                    

Kaagad akong napahinga nang maluwag nang makita si Nicole na nakabalik na sa bilog. Kaagad kong sinulyapan si Devion na kaagad napangiti habang nakatingin sa kaniyang asawa sa loob ng asul na kahon. Humihingal parehas sina Nicole at Hasmyne. Parehas may sugat ngunit mas malala ang natamo ni Hasmyne kaysa rito. Kung ano man ang nangyari sa mga oras na nawala sila sa paningin namin, it must be dangerous. Hinang-hina ngayon si Hasmyne. Parang nabugbog siya nang sobra.

"You see, mas malakas ang nakuhang weapon ni Nicole." Si Ranzelle ang narinig kong nagsalita.

Kaagad na akong pinaupo ulit ni Dimitrie sa tabi niya. Habang lumalabas si Nicole na inaalalayan ni Devion at si Hasmyne na mag-isang umalis mula sa asul na kahon ay napapangiti ako.

They sure put up a good fight kahit hindi namin nakita kung ano talaga ang nangyari. Ang galing ni Nicole. Nagawa niyang makawala sa sumpa ng kapangyarihan ng weapon ni Hasmyne and at the same time ay madala siya sa kailaliman. Iyon ang kapangyarihan ng Achilles' Bone. Ang makapunta roon nang hindi nakikita ng mga demons na nakatira roon. Hindi mismo si Nicole ang tumalo kay Hasmyne kung hindi ang mga demons. Nicole was unnoticed by them while Hasmyne wasn't while on the underworld. Nagamit ni Nicole iyon bilang advantage. That was her opportunity, too. Kaya siguro ganoon na lang kalala ang mga sugat at panghihina ni Hasmyne ngayon.

"I'm glad they made it." Sambit ko na kaagad narinig ni Dimitrie.

"Dallyx and Roullete knew it all along. Kung sino sa kanila ang mananalo. Narinig mo naman siguro ang kanilang pustahan sana, 'di ba?"

"Nahulaan nila, husband?"

"No." He smiled. "They felt it."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Dimitrie. Kahit gustuhin kong makinig sa kaniyang mga sinasabi ay hindi ko magawa. Ang isip ko ay naguguluhan pa rin lalo na at ang walong kahon ay nakikita ko pa rin sa hindi kalayuan. Kilalang-kilala ko ang mga iyon. Ang unang ulo ay kay Commander Kiara at ang pito pa ay ang pito sa mga malalakas naming warriors.

They died, too. Hindi rin pala sila nakaligtas.

"Congratulations to the both of you, Devion and Nicole. For now, kayo na kaagad ang may pinakamataas na puntos. Well, pinapaburan yata kayo ng kaswertehan ngayon." Si Ranzelle ang nagsalita. "I am glad. Really really glad."

Kaagad namang napatingin sa direksyon nina Devion at Nicole ang lahat. Napangiti si Devion nang nakakaloko saka nagsalita pa. May halo iyong inis.

"Ang paplastik ninyo. I don't want to hear you all congratulating us. It's not flattering me. Mas nakakatakot kayong magcongrats. I know what you all want." Asik ni Devion lalo na nang mapatingin siya siya sa direksyon nina Hasmyne na hanggang ngayon ay dumadaing pa rin dahil sa sakit.

Hindi ko man lang nakita ang pag-aalala sa mukha ni Dencio para sa kaniyang asawa. Tatahimik-tahimik lang siya roon habang pinagmamasdan kami. Halata mong nababagot na siya sa mga nangayayari and I can't blame him kasi kahit ako ay hindi natutuwa.

"Zeus and Jiego, it's your turn." Ang boses iyon ng Reyna.

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon