Nararamdaman ko ang aking paglutang. Kaagad akong napamulat at hindi inaasahan ang nakita. Sa isang tila napakalaking tube ay lumulutang ako sa gitna na para bang isang napakagaang bagay. Nang oras na gumalaw ako ay dahan-dahang akong bumagsak at dahan-dahang bumukas ang tube. Sa napakalinaw na repleksyon ko sa bubog ng tube ay doon ko napagtantong ibang-iba ang aking hitsura.
Bakit napakaganda ko ngayon?
Ayos na ayos ang aking postura. May kumikinang na sapatos na gawa sa bubog at itim na silk dress na napakaraming kulay puting bulaklak. Sa leeg ko rin ay nakasabit ang isang kwintas. Napakapit ako sa ulo ko sa hindi inaasahang pagsakit ng noon.
Ivystate.
Sa isang iglap ay kaagad kong naalala ang lahat. Ang halimaw at ang mga naagnas na bangkay. Ang pagbagsak ko at ang pagkabasag ng aking katawan. Si Jupiter, ang kuwintas, ang Reyna.
Patay na ako, hindi ba?
Hinubad ko ang sapatos na sumasapin sa aking malamig na paa saka inilibot ang paningin sa napakalawak na silid.
May pinto. Ganito ba sa kabilang buhay? Bakit parang buhay na buhay pa rin ako?
Kaagad akong napatakbo. Nang buksan ko ang pinto ay humarang sa akin ang dalawang lalaking kapwa ay nakadamit ng kulay itim.
"Sino kayo?"
Am I in hell?
Totoo bang sinundo na ako ng grim reaper?
Ang mga sumunod na segundo ay naging mahirap para sa akin at para sa intelektwal kong kapasidad. Naghahalo ang lahat ng sakit at alaala. Gusto ko nang humiyaw sa sakit na nararamdaman ko. Kung patay na ako, bakit nakakaramdam pa rin ako ng sakit?
"Maaari namin kayong ihatid sa Prinsepe kung iyon ang nais ninyo, Prinsesa."
Prinsepe? Prinsesa?
Of fuck me. I am so fed up with this shit.
"Sa lagay ninyong iyan, hindi ka maaaring umalis nang walang alalay. Hindi kakayanin ng iyon katawan. Maaari kang makaramdam ng bigla-biglang panghihina, pagkahilo, at pagsakit ng ulo. Maaari ka ring biglang magkaroon ng emosyonal na pagdadalamhati. Kung gayon, narito kami para ikaw ay alalayan upang kung may maramdaman ka mang sakit ay kaagad naming maisangguni sa eksperto."
Napatingala ako sa dalawang lalaki.
"Sino ka nga ulit?"
"Ako ang isa sa iyong butler. Ako si Butler Jacussi, ang iyong kanang kamay."
"At ako si Mr. Halabama, ang iyong kaliwang kamay. Ako ay isang butler din na inatasang panatilihin ang kasiguraduhan ng iyong kaligtasan kapag wala ka sa paningin ng Prinsepe."
Napapikit ako. Nag-iisip sa mga salitang binabanggit ng dalawang nasa harapan ko. Tumayo ako at napahawak sa aking sentido.
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantasyA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.