Nagugulumihanan akong napatitig sa librong ibinaba ni Rafaela sa aking gilid. Makapal iyon at mukhang mabigat. Just by the looks of it, mukhang hindi iyon nakakatuwang hawakan at basahin. May kung ano sa presensya ng librong iyon na magpapabaliw sa akin.
"Some of the important details about us and about necromancy is there. Basahin mo iyan for basic information. For now, samahan mo muna ako bago ako umalis. May ipapakita ako sa'yo just to start your day."
Hindi pa man ako nakakasagot ay kaagad niya akong nahawakan sa kamay. Seconds later, nasa loob na ako ng isang napakalawak na silid. Kagaya ng mga naunang silid na punong-puno ng mga damit o libro, ganoon din ito. Ang tanging ipinagkaiba lamang nila ay ang mga bagay na naririto at maingat na nakaayos ay tanging maliliit na jars. Sobrang liliit noon at sa bawat jar ay may maliliit din na tila label na hindi ko halos maaninaw. Akala ko pa ay magpapaliwanag sa akin si Rafaela tungkol sa mga kung ano-ano ang mga nakikita ko ngayon ngunit hindi. Hindi niya pinansin ang mga iyon. Patuloy lang siyang naglakad hanggang sa mapunta kami sa gitnang bahagi ng silid. May salamin doon na halos triple ang laki sa akin.
"Mirror mirror, show me her soul. Let me see, let me see how devastated she can be. For I, Rafaela Arcañum is as curious as I can be. Let me see." Sambit niya na tila ba nagsusumpa sa kaniyang ikinikilos.
Nanindig ang balahibo ko bigla. Naramdaman ko ang biglang paglamig ng kapaligiran at naging dahilan iyon ng mabilis na pagkabog ng aking dibdib.
Anong nangyayari? Bakit dumidilim ang paligid?
Sa pagdilim na nangyari sa buong silid ay biglang nagliwanag ang salamin. Doon ay halos manginig ang tuhod ko nang bigla na lamang may isang babaeng nakatitig sa akin mula sa salamin. Hindi siya si Rafaela at hindi rin ako kung hindi ang kaluluwa ko. Nakakatakot ang kaniyang mga matang titig na titig sa akin. Itim na itim habang ang kaniyang katawan na tila ba ay puting usok lamang ay lumulutang. Hindi humihiwalay ang kaniyang tingin sa akin hanggang ngayon ngunit ang mas ikinatakot ko ay katotohanang ang singsing na suot ko ay suot niya rin.
"Your soul is forever married to Dimitrie's. Kahit ilang paulit-ulit pang reinkarnasyon o buhay, paulit-ulit lamang na si Dimitrie ang iibigin mo. Wala nang iba at walang iba pang kaluluwa ang papakasalan mo Asia kung hindi ang kay Dimitrie lamang. Iyon ang ibig sabihin ng pagsusuot mo ng singsing na iyan. You are forever tied to an Arcañum and not even death can bend that."
I was stuck in the moment habang tinitingnan ang nakakatakot na mata ng aking kaluluwa sa repleksyon ng salaming nakaharap sa amin.
"Hindi ako iyan. Bakit parang-"
"Your soul is devastated right now. Mas nakakadama siya ng sakit kaysa sa buhay mong katawan. Your memories and its pain might be somewhere here inside this room, but your soul won't forget."
"Hindi ko maintindihan. Sa mga maliliit na jar, nandoon ang emotional pain ko?"
Hindi ako sinagot ni Rafaela saka hinawakan na ang aking kamay. Muling nagliwanag ang paligid at sa ilang segundo lamang muli ay napabalik na kami sa silid. Hinanap ng mata ko si Dimitrie ngunit wala na siya sa loob. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta o kung bakit ko pa ba siya hinahanap gayong gulong-gulo na ang isip ko.
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantasyA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.