36: Siblings

6.2K 365 15
                                    

Sa isang iglap ay kaagad na nawala ang lahat ng mga tao sa bulwagan na kanina lamang ay tuwang-tuwang dumadalo sa kasiyahan. Maging sina Mr. Jacussi at Mr. Halabama ay nawala na rin sa paningin ko. Maging sila pala ay umalis na rin. Kami lamang ang naiwan sa bulwagan. Si Dimitrie at ang mga kapatid niya maging ang mga magiging asawa nila. Mayamaya pa ay nagkatinginan ang lahat. May kahulugan ang mga tingin nila sa isa't isa. No one dared to speak until Dallyx laughed out loud. The next thing I knew, tumatawa na silang magkakapatid maliban kay Rafaela at Raquel. Parang silang dalawa lang ang hindi natutuwa at silang dalawa rin lang may pinakamalakas ang namamagitang tensyon kasali ang mga mapapangasawa nila sa kanilang tabi.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong hitsura ni Rafaela. Ni hindi nga niya ako pinapansin hanggang ngayon. Mas galit pa ang hitsura niya ngayon kaysa sa hitsura niya noong nag-away sila ni Dimitrie sa eighth border house. Mas matapang ang tingin niya. Mas nakakatakot.

"Wow that was awesome. Finally, this time came and did not disappoint me. Mukhang magkakasundo na tayo ngayon nito ah. Just like when we were still kids." Si Dencio ang nagsalita. "You all have changed…for the better."

"Tsk. We didn't come here to stay the same, Dencio. Kung maganda ako noon, mas maganda ako ngayon." Si Roullete ang nagsalita. "And that my dear is not an unpredictable change."

"Mali. Mali iyon, Roullete." Si Ranzelle. "Kung mas malandi ka noon, mas malandi ka ngayon. That's the thing that hasn't changed in you. Kawawa naman ang mapapangasawa mo." Napailing pa ito saka napatingin kay Cola.

"Kung malandi ako, mas malandi si Raquel syempre. Mababaog ang tumanggi." Natatawa pa si Roullete sa nangyayari at sinasabi niya. I just can't believe na may mga ganoong salita ang lumalabas sa bibig nila. "Isa pa, malandi lang ako pero virgin pa ako, ha? Ewan ko lang sa isa riyan." Sabay pasimpleng tumingin si Roullete kay Devion na kakaagad na umalma.

"Fuck you all. At least we love each other." Saka niya niyakap ang kaniyang mapapangasawa sa aming harapan. Niyakap naman siya pabalik nito nang buong puso. Ni hindi man lang ito naoffend sa sinabi ng mga kapatid ni Dimitrie.

Hindi ko matandaan ang pangalan niya kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagiging tahimik ko. Mukha namang hindi sila nababahala sa sinasabi ng mga kapatid ni Dimitrie, e. Sa tingin ko naman ngayon ay mali ang sinabi ni Dimitrie noon.  Magkakasundo naman silang lahat ayon sa nakikita ko maliban sa relasyon nila sa kanilang mga magulang. Nang sabihin ni Dimitrie sa akin noon na sila lang si Rafaela ang magkasundo dahil mas pinapaburan sila ng kanilang mga magulang, I will disagree on that right now. Sa nakikita ko ay hindi iyon ang nangyayari. Nagkakasundo sila lalong-lalo na sa mga kalokohan.

"Wala bang magsasabunutan diyan, hmm? Baka naman Rafaela at Raquel. May popcorn pa ako. Nauna na iyong sampal, e. Sa akin na iyong part na iyon."

"No need to." Malamig na sambit ni Rafaela saka tumingin kay Raquel ng sandali lamang. "You see, Raquel. You keep on trying to steal my man, but you can't. A real man can't be stolen. And if you can, you can keep him. I'm free to exchange husbands. Ewan ko lang sa'yo Zeus ah. Tangina mo na lang kung kumabit ka at gumaya kay Roullete."

Nagulat ako sa sinabi ni Rafaela. Grabe. Hindi ko inaasahan na ganito sila kadirestsahang mag-usap. If you're sensitive, siguradong mamamatay ka sa kakaisip sa mga sinasabi nila.

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon