67: Ended

6.6K 351 41
                                    

Mabilis kaming nakabalik sa palasyo. Nag-aalala kaming sinalubong ng Hari at Reyna. Nagtatanong ang kanilang mga mata sa pag-aalala.

"What happened?" Ang Reyna kaagad ang sumalubong sa amin. "Where are the others?"

"Prepare everyone, ina. Darkstate is about to attack us in minutes." Mabilis na sambit ni Dimitrie. "Roullete, Dencio, Devion, Ranzelle, Dallyx, come with me."

Hinawakan ni Dimitrie ang kamay ko saka ang sunod kong nakita ay nasa ninth border house na kami. Kaaagad naming nakita ang nagtatakang mukha ng apat na guardians doon lalong-lalo na si Fidel na nang makita ako ay ngumiti pa. Kumaway pa ito sa akin na para bang bata.

"Oh hey, Asia!"

"Bakit nandito kayong lahat?" Masungit na asik ni Khalil sa amin. "Akala ko ba nasa-"

"Fidel and Gordon, come here." Si Roullete.

Hindi pa man nakakasagot ang dalawa ay kaagad na silang naitabi ni Roullete sa pagitan nina Dallyx at Dencio. Ang natira ay ang nagtatakang si Cornelius at si Khalil.

"Okay, easy. Bakit ang sasama ng tingin ninyo sa aming dalawa? May nangyayari ba?"

"Asia, this is your moment. Who's who?" Si Roullete.

"Who's what?" Si Devion at si Ranzelle.

Sa ngayon ay hindi pa nga pala nila alam kung ano ang nangyayari. Wala pa silang ideya kung bakit ginagawa namin ito. Tiningnan ko naman si Dimitrie. Napapailing ito sandali sa tanong ni Roullete.

"I don't know. I can't feel anything."

Lumapit sa akin si Roullete kasama si Cornelius. Siya mismo ang naglagay ng kamay ko sa sentido nito.

"You'll feel your own power by doing this." She hissed. "Don't fucking disappoint us now. I really want to kill whoever that attacker is."

Sinubukan kong intindihin ang mga sinasabi ni Roullete. Sinubukan ko ring pakiramdaman ang ulo ni Cornelius ngunit kaagad akong napailing.

"I can't feel anything with him."

"Well fuck let's move on! Khalil halika rito!" Sigaw ni Roullete.

Nagtataka namang lumapit sa aking direksyon si Khalil. Napapatingin siya na animo ay nagtatanong. Kagaya ng ilan ay hindi niya maintindihan ang nangyayari.

"Well, I don't know why you are doing this, but I am happy you're all final-"

"Shut up."

Ginawa ko rin ang ginawa ko kay Cornelius. Sinubukan kong pakiramdaman ang ulo ni Khalil habang hawak-hawak ko iyon. Ngunit kagaya ng nauna ay napailing na naman ako.

"I don't feel-"

"Fuck you, Asia! You must feel something or else I'll kill-"

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon