20: Bottles

7.1K 384 9
                                    

Bago pa man mas tumagal ang titig ni Dimitrie sa akin ay tumikhim na si Rafaela. Nakikita ko rin sa mga mata niya na natatawa ito ngunit pinigilan lamang ang sarili. Napapikit na lang ako sandali saka bumuntong-hininga.

"Ah…I mean I'll go back in now." weirdo kong sambit ngunit papihit pa lang ako upang tumalikod sa kanila ay kaagad nang nagsalita muli si Rafaela.

"Dimitrie's going now. Huwag ka nang mahiya and come eat with me. Lalayas na rin ang isang iyan."

Natigil ako sandali.

Aalis? Saan siya pupunta?

"Don't give me that frown, wife. Aalis lang ako at hindi ko binabalak ang hindi pagbalik. Huwag kang mag-alala, our love making will be continued."

"Wh-what?" Napakagat ako sa labi dahil hindi makahagilap ng sasabihin sa kaniya dahil sa kaniyang timuran. "Are you kidding me?"

"No, I am not. Seriously, I will make love to you when you are ready." seryoso niyang sambit.

Doon na tuluyang naubos ang sasabihin ko. What confidence potion is this man drinking? Napakalakas ng loob niyang magsabi ng mga ganito sa harap ko at sa harap ng kapatid niya nang walang kahit anong hiyang narararamdaman man lamang. Ni katiting na pagkahiya ay wala kang makita sa mukha niya.

"Well, so much for that." Si Rafaela ang pumutol sa katahimikan namin. "Umalis ka na nga. Do your job and I'll do mine." asik niya kay Dimitrie.

I saw how Dimitrie's eyebrows met habang nakatingin pa rin sa akin. Ininom nito ang natitira pang alak sa kaniyang wine glass and gave me a smile.

"I'll be back, wife."

Iyon lamang at bigla na lamang siyang nawala sa harapan ko at sa paningin ni Rafaela. Kaagad na akong nakalapit sa kinatatayuan niya kung saan naamoy ko kaagad ang mabangong lutong ulam.

"Hmm, so you two almost had sex-"

"Can we just please stop talking about that, Rafaela?" kaagad kong putol sa kaniyang sasabihin.

"Ang alin? Sex?"

"Please, just stop."

Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti dahil sa tagumpay niyang pang-iinis sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at kaagad na kumuha ng mga pagkain sa mesa.

"Hindi ka ba magtatanong kung saan pupunta ang asawa mo?" She asked na hindi ko sinagot.

Why would I? Clearly, he'll do tasks. Bakit pa ako magtatanong kung saan siya pupunta?

"Ikaw bahala. Mamaya may babae na iyon-"

"I am his wife and I know what wife really means in this state, Rafaela." muli ay pinutol ko siya sa balak niyang sabihin that made her smile.

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon