39: Sacrifice

6.2K 336 21
                                    

Kaagad akong napalingon kay Dimitrie nang sabay-sabay na tumayo sina Nicole, Carmela, at Hasmyne. Sabay-sabay din silang naglakad patungo sa babaeng kararating lamang.

"Ninth Arcañum Supremu Dimitrie, can I please take your wife-"

"If my wife gets hurt, I'll blame it on you no matter what, Mrs. Love." Putol ni Dimitrie sa sasabihin ng babae. Seryosong-seryoso siya kahit hindi nakatingin sa kinakausap.

Kaagad ko namang nakita ang mabilis na pagngiti ni Mrs. Love habang nakatingin sa aming direksyon. Kumumpas pa ito upang magpaypay saka binigyan ako ng seryosong tingin.

"Of course." She said. "Of course, she will not get hurt."

Tiningnan ako ni Dimitrie saka nginitian ako. Kaagad ding lumapat ang labi niya sa noo ko bago ako patayuin sa upuan at ihatid sa kamay ni Mrs. Love. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng babaeng ito at ang tatlo pa but I am pretty sure we are safe lalong-lalo na at nasa loob naman kami ng palasyo. Hindi na ako nakalingon pa kay Dimitrie nang maramdaman ko na ang paglutang ko. A minute after ay nasa harap na ako ng isang napakalawak na salamin.

"Nice body, Asia." Boses ni Nicole ang narinig ko.

Kaagad kong napansing nasa tabi ko lang pala siya. Nakatingin siya sa kabuuan ko. Pinasadahan ko kaagad ng tingin ang lugar at hinayaan na lang si Nicole na magsalita. Nakita kong nasa loob pala kami ng isang napakalawak na silid. Kaming apat lamang.

"I don't know what you did, Asia." Mayamaya ay lumapit pa sa kinaroroonan namin sina Hasmyne at Carmela. They are both in crossed arms habang marahan at napakahinhing magsalita ni Hasmyne. "I don't know how you turned a beast into a tamed fucking husband. That's impressive."

"H-ha?"

"The ninth Arcañum is the beast of Necrostate. He kills anyone on his liking. Known for his impressive collection of the souls he has killed and jailed. Nakita mo naman kanina. Even his mother kaya niyang patayin. Ang ipinagtataka ko lang, how did you, a Queen of a lowly kingdom, turned a hard man soft? Sabagay ay galing ka nga pala sa kaharian ng mga taong gumagamit ng lason. It's your expertise to poison. And I wouldn't be surprised if you poisoned his mind to be your husband."

"Tangina naman, Hasmyne. Huwag nga tayong maglokohan dito. Huwag mong ipahalatang masyado kang nainggit sa atensyong nakukuha ni Asia. Besides, she deserves the spotlight."

Si Nicole ang bumasag kay Hasmyne. Nagulat ako. This is the first time I've heard them talk and had a conversation and I totally did not expect this. Tama pala si Dimitrie. They may act and look classy, but they kill. Sa mga titigan pa lang na ginagawa nila ngayon ay nararamdaman ko na naman ang tensyon. Napatikhim naman ako para basagin ang katahimikan. Ayaw ko namang magsalita sapagkat alam kong wala ako sa tamang lugar.

"Shame on you, Nicole. Alam ng lahat na hindi ka na birhen bago ka pa ikasal-"

"Who cares? I'm not living by the rules of anybody. Besides, Devion and I knows what we are doing. Ikaw, sigurado ka bang gusto mong matali sa isang lalaking walang ibang nais kung hindi ang manahimik sa buhay niya? Dencio don't even want this marriage nor this crown. He just wants his job. He doesn’t want you either. I know what your intentions are, Hasmyne. Isa ka pa, Carmela. After this marriage you'll control your husbands to compete for the crown. You two are just like Raquel."

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon