63: Meets

5.5K 305 4
                                    

Nagngingitngit pa rin sa inis si Roullete at Dallyx dahil sa kani-kanilang mga suot. Kinuha nila sa sasakyan ang dalawang bag na mula pa sa pamilihan ng Necrostate nila nakuha. May lamang mga damit ang mga bag. Inilabas nila iyon saka ipinatong iyon sa suot nila ngayon.

"Are we there yet, Dallyx? By now ay dapat nasa may border na tayo." Asik ni Roullete.

"Exactly my point! Dapat sa ngayon ay nasa border-"

Natigil ang dalawa sa pagtatalo nang biglang matigil ang kanilang sasakyan. Nagkatinginan silang apat habang si Dallyx ay nangungunot ang noo. Hindi nila alam kung bakit tumigil ang sasakyan ganoong ang sasakyang iyon ay mula pa sa Techstate. Ang ibig sabihin lamang noon ay hindi iyon titigil nang basta-basta maliban na lamang kung may kung sino ang nagpatigil doon.

"Maybe we are now at the border." Makahulugang sambit ni Roullete.

Sabay na gumuhit sa mukha nina Roullete at Dallyx ang ngiti. Nagkakatinginan silang dalawa nang makahulugan habang si Cola ay prenteng nakasandal lang sa inuupuan niya. Si Carmela naman ay halata ang pagiging iritable sa nangyayari.

"Talamak ang mga refugees sa border na ito. Even the rulers, Princess Georgina, and Princess Amety, can't make them under their power." si Dallyx. "They live just for themselves and do not care for anything else. Lahat sila ay may mga patong sa ulo. Ang dalawang Prinsesa mismo ang magbibigay ng gantimpala kapalit ang mga ulo nila."

"Wait! Walang Hari at Reyna ang El-state?" Si Cola na kaagad ikinatawa ni Roullete.

"There will be if you'll marry one of the princesses." She sarcastically said.

Napa-tss naman si Cola sa sinabi ng kaniyang asawa habang si Dallyx ay natatawa pa. Muling napukol ang kanilang atensyon nang makarinig sila ng para bang pagkayupi ng kanilang sinasakyan. Sumilip si Carmela sa bahaging iyon.

"Shit. There are rocks trying to squeeze us all. The refugees are here." Muli pa siyang sumilip sa labas. "I see four of them from afar. Ang isa ang nagkokontrol ng mga batong tumatama sa sasakyan natin."

"Well, they have to be the entertainment we are waiting for. Kung hindi, they have no choice but to be."

Segundo lang ang nakalipas at kakaagad na nakalabas ang apat mula sa sasakyan. Kung nagtagal pa sila roon ng kaunting oras pa ay baka nasama na sila sa pagkayupi ng buong sasakyan. Napailing naman si Dallyx habang nakikita ang sasakyan na ngayon ay sirang-sira na.

"Sweetie, you did great. I'm totally going to miss-"

"Shut the fuck up, Dallyx." Asik ni Carmela na kaagad tumilapon nang hindi niya nakita ang pag-atake ng isa sa apat na sa tantiya nila ay mga refugee nga ng kaharian ng El-state.

Prenteng nakaupo ang mga umaatake sa sanga ng puno habang pinapanood ang apat ding Arcañum na nag-uusap habang umiilag sa mga atake. Ni hindi man lang naman nabahala si Carmela sa nangyari sa kaniya. Mabilis siyang nakatayo nang maayos mula sa atakeng kaniyang natanggap. Marahan pang pinunasan ang suot na nalagyan ng kaunting alikabok saka napatingin nang diretso sa kinaroroonan ng mga umaatake.

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon