40: Cries

5.9K 393 19
                                    

Napalingon na ako sa sinasabi ni Mrs. Love. Doon ay nakita ko sina Dimitrie at ang tatlo pa niyang kapatid na lalaki. Lahat sila ay narito upang sunduin kami. Habang papalapit si Dimitrie sa akin ay naroroon na naman ang parang baliw kong sistema thinking he's in a slow motion again pero imbes na magalit ako, naluluha ako. Habang nakaslow motion siya sa paningin ko ay unti-unting nagiging malinaw sa akin lahat lalo na at natititigan ko ang kaniyang mukha.

I want children with him that exactly looks like him, too. I want children of our own that has the same lips, nose, and eyes like his. Pero sa ngayon ay mukhang imposible iyon. I need to make that sacrifice in order to continue the reason why I am still alive. And that is to be back at Ivystate. Kung magkakaanak kami ngayon, I might fail my kingdom.

"Bakit ka umiiyak, wife?" Kaagad na nakalapit sa akin si Dimitrie at mahinahon akong tinatanong.

Hinawakan kaagad niya ang pisngi ko at mabilis na pinunasan ang luha sa aking mga mata. Nakatingin lang naman ako sa mga mata niya habang ginagawa niya iyon.

"Tell it to me, wife. May masakit ba?" Nag-aalala niyang tanong. "Tell it to me, please."

"I didn't do anything!" Mahina ngunit pasigaw na sambit ni Nicole sa may gilid namin. Kaagad kong nakita ang pagpisil ni Devion sa pisngi nito. Mukhang pinapatigil niya si Nicole sa pagsasalita.

"But you seemed guilty, love." Natatawa pa si Devion habang kinakausap si Nicole.

"I swear, wala akong ginawa. Nag-uusap lang kami e tapos bigla na siyang umiyak."

Napatingin sandali sa kanila si Dimitrie at sa akin muli. Patuloy niyang pinupunasan at tinutuyo ang mga luha ko na wala yatang balak tumigil.

"H-husband ang sakit ng puso ko." Sambit ko. "It pains me so much."

Mukhang nakuha naman kaagad ni Dimitrie ang ibig kong sabihin. Kaagad niya akong isiniksik sa kaniyang dibdib saka niyakap. Naramdaman ko na naman ang kamay niya sa baywang ko.

"Wife, darating din tayo sa puntong nais mo but sa ngayon we're not sure. Napag-usapan na natin ang tungkol dito, hindi ba? We shouldn't do it no matter what while in the competition. I won't risk your life nor the life of our future angels habang narito tayo sa napakadelikadong sitwasyon. Just hang on there. We'll get pregnant, too."

Muli na namang bumuhos ang luha ko sa mga ibinulong sa akin ni Dimitrie. Batid kong nababasa ko na ang damit niya dahil sa luha ko pero hindi ako nakarinig ng kahit anong pagrereklamo mula sa kaniya bagkus ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin.

"Oh, seemed like there's drama in here." Mayamaya ay boses ni Hasmyne iyon. Halata mong nang-iinis siya. "Anong iniiyak mo, Asia?"

"Don't fucking mind her. She's out of her damn mind." Walang ganang sambit naman ni Dencio saka mabilis na bumaling kay Mrs. Love. "Kung tapos ka na sa trabaho mo, ihatid mo si Hasmyne sa kwarto niya."

Iyon lamang saka mabilis nang naglaho si Dencio. Ni hindi niya nilingon si Hasmyne. Nakita kong napailing si Dallyx saka nawala na rin sa harapan namin kasama si Carmela. Sumunod naman ay ang pagkawala ni Mrs. Love para sundin ang utos ni Dencio. Naiwan kami rito kasama si Devion at Nicole. Napangiti sila nang sabay sa amin.

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon