22: Husband

6.7K 434 31
                                    

Nakarating kami ng bahay nang hindi ako nagsasalita. Iniisip ko pa rin ang lalaking iyon na nagawa akong ilabas ng bahay at iwan sa gitna ng dilim. Ngunit hindi iyon ang ikinagagalit ko kung hindi ang kaniyang sinabi.

Why would he risk his life talking to me?

He is clearly disrespecting Dimitrie sa ginawa niya at alam kong may kaakibat na parusa iyon lalo na at hinalikan niya ako sa noo kahit pa nga nasa anyo siya ni Dimitrie.

"Explain now, wife." Dimitrie said.

Nasa kwarto kami ngayon at siya ay nakaupo sa kama habang may hawak na isang baso ng wine. Sumimsim muna siya roon bago muli akong kausapin.

"How did you get out of your butlers' eyes? How did you escape in this house nang hindi nila namamalayan?"

Tiningnan ko lang siya. Tinitigan ko ang kaniyang mga mata at ni hindi man lamang siya nag-iwas. Gustong-gusto niya ang pagtitig na ginagawa ko. One thing that led me to know that the man I am talking earlier is not him.

"Come on, wife. Hindi mo ako madadala sa titig mo kahit na gusto kitang halikan ngayon. I am asking you right now. Paano ka nakaalis?"

"Are you," nag-aalangan pa ako nang putulin ko ang kaniyang sasabihin. "Are you hiding something from me?"

Sa wakas ay nasambit ko rin. Sandali namang nangunot ang noo ni Dimitrie sa tanong ko.

"Like what?"

"Like my pain. Kailan mo balak na ibalik sa akin iyong mga sakit so that I can heal myself?"

Mas tumitig sa akin si Dimitrie. Mukhang wala siyang balak magpatalo.

"Bakit atat na atat ka, Asia?" he cracked a laugh. Naramdaman kong naiba ang kaniyang mood ngunit kalmado pa rin. He even called me by my name. "Kung ibabalik ko ang sakit mo ngayon, sigurado ka bang kaya mo?"

"Kakayanin ko!" Napasigaw ako sa sagot ko.

Nabigla ako sa naging sagot ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit bigla-bigla na rin akong napasigaw. Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan.

"But I don't want to make you feel the pain when you are at your weakest, wife. Gusto kong makalaban ka at your strongest."

"Will that make any difference, Dimitrie?" Tumayo na ako sa kama at humarap sa kaniya.

Sa ginawa kong iyon ay napatayo rin siya. He calmly put his wine glass at the side table saka humarap sa akin. Hindi naman ako natinag and kept on looking at his eyes.

"They are the same to me. Parehas ko rin lang lalabanan iyong sakit. What difference does it make when I am at my weakest or at my fucking strongest? Parehas lang iyon. Parehas lang iyong masakit."

Akala ko ay sasagot siya ngunit hindi. Basta nakatitig lang siya sa akin.

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon