Nakailang ikot na rin kami ni Rafaela sa sementeryo ay hindi pa rin mawala sa aking isipan ang batang babaeng iyon. Iniligtas niya ako at sigurado ako roon. Pero bakit nandito siya sa sementeryong ito? How did she die?
"Here we are." Si Rafaela na nakatawag pansin sa akin. "Makakapagpahinga na rin tayo."
Kaagad ko namang tiningnan si Rafaela. Nakita kong nasa harapan pala kami ng isang tent na kulay itim. Mukhang bago pa iyon at hindi iyon ordinaryong tent lamang. Napakalaki kasi noon at halata mong matibay. Sa tingin ko nga ay ni hindi ito malilipad ng kahit sobrang lakas pang hangin. The weird thing is there's no entrance. Wala akong makitang zip lock o kahit butas dito.
"Kay Dimitrie ang tent na ito." Sambit ni Rafaela.
"Ha?"
"Kapag bored siya or wala siya sa ninth border house, he'll be here collecting bad ghosts."
Collecting bad ghosts? Iyon ang hobby niya? Wow! What a scary thing to kill time.
"Anong ginawa namin para paglaruan ninyo kami, ha? Sa tuwing pupunta kayo rito, you'll collect ghosts and put it in a tiny jar as a collection."
Naalala ko na naman ang multong iyon. Si Dimitrie ba ang tinutukoy niya sa mga galit niyang salita? Kung ganoon, marahil ay talagang madalas magpunta si Dimitrie dito.
Ganoon ba siya kabored?
"You seem like you've seen one back there, Asia." Natatawang sambit ni Rafaela sa akin. Tila ay nahulaan niya kung ano man ang nangyari sa akin sa pagkahulog ko. "Inatake ako ng isang masamang kaluluwa kanina kaya ako nawala sandali. Seems like you were, too. Was it a bad one?"
Napalunok ako as she faces me. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya na nakakita nga ako ng multo at muntik pa akong atakihin o hindi. Nakakamangha lang na ang dugo na kanina ay tumulo sa akin mula sa multo ay ngayon ni walang isang bakas sa akin. Baka ay imahinasyon ko lang iyon. Isa pa, hindi lang isa kung hindi dalawa ang nakita kong multo and the other one seemed to intentionally save my life.
"Nakikita ko sa mga mata mong takot ka, Aisa. Huwag ka nang magtaka kung ganito ang nangyayari at nakikita mo because upon having that ring on your soul, you also had the gift of the eyes just like us. To see ghosts and the unexplainable that cannot be seen by the normal eyes alone." paliwanag niya.
Hindi na lang ako sumagot pa dahil hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako sa sistema at mga kapangyarihan ng kanilang lahi. Para bang literal silang mga nilalang na kamag-anak ng mga nilalang na nasa ilalim. I just can't contain the fact that I am seeing this and breathing the same air as them. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
"As a matter of fact, it's your decision kung magpapatalo ka sa takot at kung magpapalamon ka sa kaba ng dibdib mo." pagpapatuloy niya bago ako hinawakan sa balikat.
Ilang segundo ang lumipas ay parehas na kaming nasa loob ng tent. Namangha na naman ako as I scan the place. Mas malaki pala ang loob nito kaysa kung titingnan mo ang tent mula sa labas. There are complete packs of stuffs needed to survive. Mayroong kusinang kumpleto sa gamit at mayroong kama sa isang gilid. Ang nakatawag pansin sa akin ay ang isang katamtaman ang laking bookshelf na imbes na mga libro ang laman ay hindi. Maliliit na jars ang lahat ng naroroon at maingat na nakasalansan. Sinubukan kong basahin ang ilan sa mga labels na naroroon ngunit hindi ko nagawa. Maliban sa napakaliit ng pagkakasulat doon ay tila hindi iyon alpabeto kung hindi mga simbolo lamang.
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantasiaA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.