1: Necklace

20.5K 660 77
                                    

Nakakagutom na amoy ng cake ang gumagambala sa akin ngayon. Halos dalawang minuto ko na itong tinitingnan habang nakakagat sa aking pang-ibabang labi. Kung gaano kaganda ang pagkakadisenyo nito ay ganoon naman kapangit ang mga nasa isip kong posibilidad.

Magugustuhan kaya ito ni Queen Naomi?

Napabuntong-hininga ako. Kulang na lamang ay sabunutan ang aking sarili.

"Asia, lumabas ka na riyan." Narinig ko ang boses ni Tito Leon.

Siya ang ama ng aking matalik na kaibigang si Helia, si Tito Leon. Siya rin ang dahilan ng pagkabahala ko ngayon.

"Sandali lang po, Tito Leon! Lalabas na ho ako!" sigaw ko ngunit ang totoo ay hindi pa.

Inayos ko ang damit ko at napahilamos sandali sa aking mukha. Kung hindi magugustuhan ni Tito Leon ang aking cake entry, malamang ay hindi rin iyon magugustuhan ng reyna. Hindi lang sarili ko ang mapapahiya, maging si Tito Leon na rin. Hindi ko namalayang nakapasok na pala sa kusina si Tito Leon nang dahil sa tagal kong lumabas.

"Anong problema, Asia?" Saka kinintalan ako ng halik sa ibabaw ng aking ulo. "You will do great. Saka isa pa, ikaw na kaagad ang panalo sa akin kahit hindi ko pa man natitikman ang inihanda mo."

Napatawa ako sandali.

"Tito Leon naman, e. Baka naman masira ang reputasyon mo sa buong kaharian dahil sa akin. Baka isipin ng mga makarinig na por que ikaw ang head ng cooking dito sa palasyo ay ipapanalo mo na ako. Baka sabihin nila na may nangyayaring favoritism dito."

"Well, let them say what they want. Alam ko namang magaling akong teacher kaya magaling din ang estudyante ko. Saka isa pa, you don't have to impress the queen." Natigil pa siya saka inilapit ang kaniyang mukha sa may tainga ko. Nanunukso siya. "You've already impressed her first born son."

Namula ako sa sinabi ni Tito Leon. Nahampas ko pa nga siya ng pabiro dahil doon.

"Tito, don't say that around! Nakakahiya po."

"Anong magagawa ko? I am just so proud. Sino ba namang hindi, Asia?"

Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ko. Hindi ko lubos maisip kung ano bang nagawa ko sa nakaraang buhay ko at pinagpala ako nang ganito kasayang buhay ngayon. Wala man akong ama at ina, walang kahit sinong kamag-anak ngunit may napakabuting pamilya naman ng matalik kong kaibigan ang kumupkop sa akin. And I couldn't ask for more. They are more than enough for me.

"Sige ho, Tito. Galingan n'yo rin po ng pag-judge ha? Huwag kang bias sa akin. Magagalit ako sa'yo."

Natawa pa si Tito Leon sa akin. Muli ay kinintalan ako ng halik sa ibabaw ng ulo ko saka nauna na ring umalis. Siya ang dahilan kung bakit nagtatrabaho ako bilang cook sa palasyo. Siya ang nagpasok sa akin dito. Ngayon, there's a cake competition para sa darating na kasayahan. Bukas ay kaarawan ni Jupiter, ang panganay na anak ni Queen Naomi. Nagpapahanap ang reyna ng cake recipe na ihahanda bukas.

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon