43: Looks

5.9K 326 16
                                    

"Walang ibang nakakaalam na matagal nang lumabas ang kapangyarihan mo, wife. Mr. Jacussi, Mr. Halabama, and me, tayo pa lang. Even Rafaela ngayon niya lang nalaman. I'm sorry for keeping that truth from you." Mahina ang pagsambit ni Dimitrie noon.

Halata ko pa rin ang panghihina niya habang nagsasalita ngunit nakangiti siya habang kinakausap ako.

"No. It's fine. It's fine, husband. What I want to know is are you okay? I-I am so s-sorry-"

"I will be fine. Just hold my hand."

Napailing ako at napakagat-labi. What did I do to deserve such a man? I think I don't deserve this. I almost killed him a while ago yet all he wants is me to hold his hands.

"I'll trust you, husband." Sambit ko. "You know better than I do lalo na sa kaharian mo. Si Damion, may nabanggit siyang tungkol sa alliance nang kausap niya si Queen Naomi noong umaatake siya. Sabi niya, if I am right, maaari raw magamit din ang pwersa namin. Is it possible na gusto niyang magpalakas at sakupin ang iba pang mga kaharian?"

"No. He's not like that. I know he isn't a monster. And that's what we are going to find out bago ang mga kapatid ko. While at the competition, tatakas tayo every night just to get back to your kingdom and investigate-"

"Paano ang mga kapatid mo? Hindi ba't sabi nila mag-iimbestiga rin sila-"

"You don't know my mother, wife. As much as possible, he won't meddle on the affairs of others."

Napaisip ako sa kaniyang sinabi at napapakunot ang noo.

"One of your siblings talked about an alliance." Nagugulumihanan kong sambit. "What do they mean?"

"Yes. Ang alliance ng Necrostate at ng Ivystate. Tama sila. Since I am married to you, the Ivystate's Queen, we are now allies-"

"Our kingdom's affair is now the Queen Daffudale's affair as part of the alliance. That's only natural. And I think she'll meddle."

Kaagad siyang napangiti at napamura sa sinabi ko. Mas humigpit din ang pagkakakapit niya sa aking kamay. Para bang panatag siyang hindi mangyayari ang sinabi ko.

"As long as possible, she won't. Sobrang liit ng kaharian ninyo para pag-aksayahan niya ng oras. Mas magpopokus pa ang isang iyon sa pagpaparusa sa atin at pati na rin sa kompetisyon."

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Tiningnan ko na lang muli si Dimitrie na ngayon ay nakapikit ngunit hawak pa rin ang kamay ko. Sa bawat segundong lumilipas ay hindi ko hinahayaang mawala ang paningin ko sa kaniya. Napapansin kong habang nakatitig ako sa kaniya, his wounds are healing. Unti-unting naghihilom at unti-unti ring lumiliit. Kaagad akong napatingin sa may pinto nang may kumatok doon. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Dimitrie sa pagkakahawak sa kamay ko. He's now asleep. Kagaya ng sinabi ni Rafaela, he's healing.

He'll be fine.

Kaagad na akong nagtungo sa sa pintuan at binuksan iyon upang tingnan kung sino ang naroroon. Nang makita ko kung sino iyon ay kaagad akong nagtaka.

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon