Ilang minutong parang nanahimik ang buong kaharian. Lahat lamang ay nakatutok ang atensyon kay Dimitrie, sa Hari, at sa Reyna. Walang naglalakas ng loob na magsalita at basagin ang tensyon maliban sa mga kapatid ni Dimitrie.
"Ay heto na 'yon?" Sambit ng isa sa mga kapatid ni Dimitrie. Nasa ikaapat na upuan siya at ang ibig sabihin noon ay siya si Roulette. "I want more." Saka nakita ko ang pagkumpas ng kamay niya.
Nakita ko ang paglitaw ng isang bowl ng pagkain sa kaniyang kamay saka siya naupo. Tumingin siya sa amin saka napangiti.
"Go on, we're watching. Heto talaga ang pinunta namin dito, e. Something about Dimitrie's-"
"Stop blabbering around, Roullete!" Sigaw ng Hari na mas lalong nakadagdag sa tensyon sa buong kaharian. Mas lalong nanahimik ang lahat. Maririnig na nga ngayon ang paghinga nila, e. "When I tell you to stop, you should stop. Anak lang kita-"
"I know. Anak mo lang ako, ama. But that doesn't give you any right to give a fuck about this. You can't give us a fuck on whom we should marry. Necrostate would be in so much harmony if the leaders are truly in love. Even more harmonious than this." Putol ni Roullete sa sigaw ng ama niya.
"I am the King, and I am your father. That's more than enough right for me to decide on your future-"
"Huwag na tayong maglokohan, ama." Isa sa mga anak niyang lalaki ang nagsalita. Siya yata si Dallyx kung tama ako. "No one wants this fucking marriage besides Rafaela and Raquel. Sila lang naman ang gustong makasal na. Well, si Devion na rin dahil mahilig siya sa babae but mukhang aayaw na rin sina Raquel at Rafaela sa kasalang magaganap. I mean si Raquel lang-"
"Just get to the point, Dallyx." Si Dencio naman ang sumunod na pumutol sa sasabihin ng nagsasalita. "Matagal nang may relasyon si Rafaela at Zeus at dahil naisipan mo ama na ipakasal silang dalawa, someone is angry as hell. Right, Raquel?"
Lahat ng atensyon ay napunta kay Raquel. Mukhang naaamoy na nila kung ano ang ibig sabihin ng mga kapatid ni Dimitrie.
Kung ganoon, hindi lang si Dimitrie ang nakakaalam na may gusto si Raquel kay Zeus and that Rafaela and Zeus are in a relationship? Sandali. Naguguluhan ako.
Mayamaya lang ay nakita kong ngumiti si Raquel. Tumingin siya kay Dencio saka napatawa nang may kalakasan.
"Wow salamat Dencio, ha?" Sarkastiko ang pagkakasabi niya noon. "Thank you for announcing my feelings today in front of this kingdom. Thank you talaga. Thank you talaga kasi malamang sa malamang ngayon ay alam nilang wasak ang puso ko. What I've wished for so long didn't happen to be granted. Congrats, Dencio. Congratulations sa pamamahiya sa akin."
Nangunot ang noo. Kaagad kong tiningnan ang reaksyon ni Zeus at Rafaela. Maghawak-kamay sila at alam kong napansin iyon ni Raquel. Napangiti lang siya nang makita iyon. May ibinulong pa iyon sa ere ngunit hindi ko narinig. Hindi ko rin nabasa ang sinasabi ng kaniyang mga labi habang bumubulong. Basta ang alam ko lang she's sad inside.
"Actually, dapat si Raquel talaga ang mapapangasawa ni Zeus eh. How the fuck did that happen?" Mayamaya ay nagsalita si Ranzelle. "How did that happen, Rafaela?"
BINABASA MO ANG
Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)
FantasyA WATTY'S 2021 WINNER Asia Quantum was about to a get married to her own real-life Prince but then, one week after a tragic ending, she found herself married to a Prince she once thought was a grim reaper.