9: Demon

8.2K 491 66
                                    

Naglandas ang mga kamay ni Dimitrie sa aking katawan. Nais kong labanan ang nangyayari ngunit tila ay may mahika siyang inilagay sa akin upang hindi ako makapumiglas sa kaniyang ginagawa. Isa pa, nakapagtataka na tila ba ay ginugusto ng aking sistema ang lahat ng ginagawa niya sa akin.

"I love your glowing dark eyes paired with your thick lashes, Asia. Hindi mo kailangang ipikit iyan sa tuwing makikita mo akong nakahubad." he started kissing my neck after telling those words to me huskily and full of emotions I didn't expect that at all.

He is intoxicating me again and again and stronger than before. Napakaraming tumatakbo sa isip ko. I wanted to speak but then wala akong magawa. Gustong-gusto ko ang ginagawa niya sa akin. Ang paghigpit ng hawak niya sa aking baywang at ang isa niyang kamay sa aking batok.

"I love your slim body, your thin black hair, your angelic face, your lips. I love them all." He whispered.

The kiss is getting deeper every second. Kung gaano katindi iyon ay ganoon ko rin pilit nilalabanan ang sistema kong sumabay sa init. Mali ito. Jupiter is still my King. He is still my love. Shame on me for enjoying another man's kiss the same day when we are about to get married.

"Maybe I've been deceived the moment I saw you and knew that I'll regret the moment I don't claim you as my wife."

Please Asia, you are more than this.

Dimitrie continued to carefully caress my face habang ako ay nakapikit pa rin at sinasabayan ang bawat galaw ng kaniyang labi. Ramdam na ramdam ko kung saan-saan naglalandas ang kaniyang mga kamay at nagugustuhan ko iyon. Ayaw kong itigil.

"Look at me, my wife. Look at me." he kept on pleading.

Napailing ako habang naluluha. Dahan-dahan kagaya ng mga luha kong ngayon ay umaagos na. It was then when he stopped touching me and kissing me.

"Jupiter..." hindi sinasadyang naibulong ko at muling napaluha.

Napabuntong-hininga siya sa narinig mula sa akin. Matapos ang ilang segundo ay dahan-dahan ding nawawala ang presensya niya. Doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob para magmulat. Wala na si Dimitrie sa harapan ko. Nakahinga ako nang maluwag ngunit may halo pa rin ng pagsisisi. I just called Jupiter's name after that kiss with Dimitrie.

Halo-halong emosyon ang patuloy na ibinibigay sa akin ni Dimitrie. Takot sa kadahilanang nakatali na ako sa kaniya at wala na raw makakabali roon. Kaba dahil dahil ramdam kong totoo ang sinasabi nilang magkapatid ukol sa singsing na nasa daliri ko. Kiliti sa aking sistema at security kapag nariyan siya. Ni hindi ko na alam kung anong nais niyang maramdaman ko sa mga ginagawa niya sa akin.

Pinunasan ko ang sarili kong luha. Ni hindi ko alam kung anong nangyayari sa buhay ko waking up in a kingdom where I don't belong, married to a man I don't love and I don't emotionally know, and being with necromancers. Ganoon ba kagaling maglaro ang buhay? Iyong tipong mapapanganga ka na lamang dahil sa mga ibinabatong palaisipan? Na isang araw ay magigising kang parang nasa isang panaginip? Kasi tangina hindi nakakatuwa. Gayunpaman, nakuha kong bumalik sa kwarto. Nahiga ako na maraming iniisip lalo na ang mga sinabi ni Dimitrie. Muli ay napatingin ako sa librong nasa gilid ko. Ayaw ko muna iyong buksan. Ayaw ko munang mag-isip. Gusto kong magpahinga.

Grim Of Souls (Soon To Be Published Under IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon