Chapter I- The Boy in a Black Cloak

35 8 3
                                    

I woke up having a puffy eyes, bakit kase hindi na lang sabihin ni mommy ang nangyari? Napapaisip tuloy ako ng malalim.

Habang nagtotoothbrush ay pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni mom kagabi.

"Patawarin mo ako anak, ang sama talaga nila wala talagang puso ang isang demonyo."

Anong ibig sabihin nung sinabe ni mommy? Is she dealing with a demon?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na pati pisngi ko ay natotoothbrushan ko na rin.

Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay bumaba na ako sa hapag para makakain na ng almusal. Habang kumakain ay bumaba si dad galing sa kwarto niya na may hawak na diyaryo.

"Kain na po dad." Ngiting sambit ko.

"Yeah, yeah mauna kana." Aniyang hindi parin nakatingin sakin. Tinanguan ko lang siya at pinagpatuloy ang pagkain ko.

(School)

"Belle!" Tawag ko ng makita ko siya sa may quadrangle. Agad siyang lumingon sa akin at kumuway.

"Oh Arielle bakit ganyan ang mata mo?" Nginitian ko siya at sinabi narin ang totoo.

"Ngayon lang kase sinabe saken ni dad na patay na pala si mom, well actually kagabi niya lang sinabe."

Lumungkot ang hitsura niya. "Ok lang yan kahit ako hindi ko rin tanggap na wala na si ate."

Nginitian ko siya lang siya. Nung nagbell na ay sabay kami uli nagpunta sa room namen. Habang paakyat kame ay may nakasalubong kaming tatlong babae. Dahil wala sa sarili si Belle ay nabunggo niya iyon.

"Hey! Watch where you're going." Sabi nung nasa kaliwa yung nabunggo ni Belle.

"Sorry." Walang emosyong paumanhin ni Belle. Paalis na sana kami ng higitin nung isang babae yung kamay ni Belle.

"You know what you should learn your lesson." Sabi nung babae sa gitna, panay naman ang tango nung dalawa niyang kasama.

Biglang hinila nung babaeng nasa gitna yung uniform ni Belle kaya nasira iyon at iniluwa non ang mayayaman nitong dibdib.

"What the f*ck was that for?" Pigil ko sa babaeng nasa gitna. Binigay ko kay Belle ang bag ko para matakpan ang sira niyang damit.

"What about you? What the f*ck are you doing hindi naman ikaw yung kalaban namen dito." Mataray na sambit niya. Tinulak niya ako kaya napasalampak ako sa sahig.

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now