Chapter XIX- Prideful Princess

6 1 0
                                    

Sa sobrang lawak ng kwartong pinasok ko ay sa umupo lang ako sofa at nakatulala sa malaking binatana. Hindi na ako nangalikot pa ng gamit dahil hindi naman ako tagadito.

Napunta ang attensyon ko sa taong nagbukas ng pinto.

"Excuse me, who are you?" Mataray nitong sinabi.

"Ahm.." Tumayo ako at pumunta malapit sakanya. "Arielle po." Naglahad ako dito ng kamay.

"Na ah, I'm not shaking that filthy hand." Umiling-iling siya at pumasok sa loob. "So you must be our new katulong?" Katulong? Da pak, mas gusto kong magtrabaho sa tavern kesa dito.

"Not actually—" Sasagotin ko na sana soya ng iabot niya sakin ang mga damit niya.

"Clean those." Utos nito.

Tinignan ko ang mga damit niya. "But these are all cleaned."

"Then wash it again." Gigil ako sa katarayan nito ah.

Naglakad ako palabas sa kwarto na iyon at naabutan ko ang mga babaeng magkakaparehas ang suot at may dumagdag pang isa pang babae.

"Pinaglilinis ka ba ng damit ni Princess Gwyneth?" Napunta ang attensyon ko sa sinabi niya.

"Sino si Princess Gwyneth?" Tanong ko dito habang hawak padin ang mga damit.

"Baka gusto mong ibaba muna yan?"

"Hindi na, sabihin mo na." Sabi ko at hinawakan ng mabuti ang mga lalabhan ko.

"Si Princess Gwyneth ang unang anak ni Lord Natos, siya lang ang inampon ni Lord Natos ang ibang prinsesa ay nasa iba't-ibang bayan pa." Tumango-tango ako dito.

"Anong klaseng prinsesa si Princess Gwyneth?"

"Nako sobrang sungit pero matalino at malakas. Lagi niyang sinasamba ang ama niya dahil ito ang nagpalaki sakanya." Dagdag ni babae 2. "And every year before her birthday, nagbibigay siya ng energy sa buong kalupaan ng Irreverence dahil iyon ang utos ng ama niya sakaniya na gagawin niya buong buhay niya."

"She's the Princess of Pride, Irreverence's heiress." Ani babae 1. So panganay siya, which means na Ate ko siya.

~

Habang naglalakad papunta sa washing room ay naligaw ako and I've made my decision, I'll stay as maid here at pag-aaralan ko si Princess Gwyneth, but first kailangan kong magtanong kung saang parte na ako ng palasyo.

Tinanggal ko na ang benda ko dahil mabilis lang humilom ang sugat ko. Agad kong kinuskos ang mga damit ng makapunta na ako sa wash room.

Pagtapos labhan ay isasampay ko na sana nang may makasalubong akong lalaki. He looks so familiar. Dahil hindi ko matandaan kung sino siya ay hindi ko na siya pinansin.

"Wait." The man stopped me. "Do I know you?"

"Hinde." Mabilis na sagot ko.

"Wait kilala kita eh." Hinawakan niya pa ang baba niya para kunwaring nag-iisip siya. "Yep I know you." Sabi nito.

"You're that girl from the train." Wait a minute.. nope di ko talaga siya matandaan.

"Ha?"

"You're that girl, yung sinuotan ko ng sapatos sa tren." Ay oo nga pala!

Napahawak ako sa noo ko. "Oo nga no, ano pangalan mo? Laudence? Prudence?"

"Lawrence." Pagtatama niya.

Nahiya ako kaya naisipan kong mauna na. "Magsasampay lang ako ha." Ngumiti ako sakanya.

"Can you join me for dinner, after you do those." Turo niya sa sampayin ko.

"Ay sige! Nagugutom na rin ako eh. Mauuna na ako ah." Nagwave ako sakanya at tumalikod na.

"Ay grabe tih! Pati sir Lawrence kaibigan mo na." Sumulpot sa harap ko ang mga babaeng magkakamukha.

"Alam niyo ba saan yung sampayan?" Tanong ko sa apat na kanina at tatlo lang.

"Ah doon." Tinuro ni babae 3 yung hagdan paakyat.

Pumunta ako doon at umakyat. Habang umaakyat ay napaisip ako sa mga kapatid ko ano kaya balita sakanila?

Kanina pa ako umaakyat ng hagdan, may katapusan ba ito? Then I saw a bright light coming from upstairs, iyon na ang labasan. Pagkalabas ko ay nakita ko na ang mga sipitan.

Agad kong tinapos iyon at bumaba na agad. Nakita ko sa malaking orasan ay mag-aalas siyete na ng gabi kaya binilisan ko bumaba kahit hindi ko alam kung saan ang labasan.

Nang makita ko yung matandang kaninang naghatid sakin sa taas ay agad ko ito nilapitan.

Madam? Tama ba iyon? "Madam." Tawag ko kaya agad itong lumingon.

"Diyos ko! Anong nangyari sa suot mo?" Natatarantang sambit nito.

"Naglaba lang po ako ng damit." Sabi ko kaya lalo siyang nataranta.

"Bakit ka naglaba ineng?!"

"Ha? Akala ko po ba katulong ako dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa tingin mo ay bibigyan ba kita ng malawak na kwarto kung katulong ka lang dito?" Anito. "Teka sino ba ang nagpalaba sayo dito."

"Si Princess Gwyneth po." Sagot ko.

"Hay diyos kong bata iyon." She sighed and pull me upstairs.

Pinahubad niya sakin ang damit ko at pinalitan ng bago, she gave me a blue casual dress and a light blue flat shoes that has a ribbon on it.

"Suotin mo yan pagtapos ay bumaba kana sa pinuntahan mo kanina, ipapakilala pa daw kita sa general at sa prinsesa." Lumabas na siya, ako naman ay naiwan sa loob.

Dahil wala ako magawa ay nagamit ko ang talento ko sa mga make-up at kumpleto  din ang gamit kaya lalo akong ginanahan.

Pagkababa ko ay dumeretso ako sa loob ng kusina. Pagkapasok ko sa may dinning area ay isang napakalaking chandalier ang nakakapit sa ceiling at isang napakahabang lamesa ang nasa gitna.

Nang makita ko sina Lawrence at Princess Gwyneth ay nginitian ko sila. Hindi ako napansin ni Princess Gwyneth pumasok pero si Lawrence ay nakatitig sakin kaya nahiya ako at nag-iwas ng tingin sakanya.

"Good evening, General and Princess" Bati ko sakanila.

"Good evening, Arielle." Si Princess Gwyneth lang ang bumati sakin dahil tulala padin si Lawrence.

Princess Gwyneth was snapping her fingers to Lawrence because he's still not with us.

"Hay nako, tara na nga kain na tayo." Inaya niya ako magsimula kumain. Bigla namang tumayo si Lawrence at umalis ng dining table. "Tch, ang dramatic ng lalaking yon."

"Oo nga eh." Nahihiya ako kay Princess Gwyneth dahil napakaganda niya rin.

"By the way, your first job is to clean every book in the library."

"Every books?" Hindi ako makapaniwala, kahit hindi ko pa nakikita ang library dito ay halatang malaki ang lugar na iyon.

"Oo, every book. Don't be late kase pagtapos non may gagawin ka pa." Ngumunguyang sambit nito.

Pagkatapos namin kumain ay nagpunta si Princess Gwyneth kay madam para sabihin na bantayan ako kung gagawin ko ba ang pinapagawa niya.

"Every books?!" Hindi din makapaniwalang tanong ni Madam.

"Opo." Sagot nung prinsesa.

"Well.. if that's what you want Princess, bukas na bukas ay pupunas mo lahat ng libro sa library." Anito. Binigyan niya na rin ako ng uniform.

"Basta bukas susundin mo lahat ng iuutos ko." Sabad ni Princess Gwyneth.

Tumango ako at ngumiti sakanya. "I'll do my best to do everything for you, Princess."

"Good. Magpahinga kana napagod ka yata sa labahin kanina, and I'm not begging that's an order." Umirap siya at tumalikod paalis. Ghad this will be tough.

——

~ GLOOMAMELA 🌺

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now