Chapter II- His Snaps

19 6 4
                                    


"Arielle, anak wag na wag kang sasama sa tatay mo ah.." Umiiyak si mom habang sinasabe niya iyon. "Kahit anong mangyari wag kang sasama sakanya, demonyo siya, wala siyang puso."

"Mom bakit po? May problema ba kayo ni dad?" I can see how mom crying so loudly. Then someone grabbed her from the darkness.

"Mommy! Mom!"

"Mom." Ayon ang unang lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko ring basang-basa ang unan ko ganun din ang pisngi ko. Did I cried?

Bumangon na ako sa kama ko at nagpunta sa banyo, hanggang pagligo ay iniisip ko parin ang napanaginipan ko. Ok lang ba si mommy?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay nakalimutan ko ng mag-almusal kaya dumeretso na ako sa school.

(School)

"Ari!" Narinig ko ang pagsigaw ni Belle ng pangalan ko kaya agad akong tumalikod at nginitian siya. "Oh bakit mugto na naman ang mata mo?"

"Napanaginipan ko si mommy, Belle." I can't myself from crying, si Belle naman kausap ko kaya okay lang. "I don't know kung okay lang siya, Belle."

"What? Syempre ok lang siya, nasa heaven na siya diba?" Nagtatakang tanong ni Belle.

"Sana nga nasa heaven na siya." Ayon lang ang naisagot ko, nang may bumangga sa akin isang babaeng puno ng galos sa katawan at nabitawan niya ang kaniyang dala.

"Ok ka lang ba, miss?" Sabi ko habang kinukuha ang mga nahulog niyang libro. I saw her nod, does she know kow to speak? "Mag ingat ka sa susunod miss madami pa namang bully ngayon." Tumango uli siya at nagpatuloy maglakad.

Bumaling ako kay Belle na nakakanga-nga. "What? Masama ba tumulong?" Lalo kumunot ang noo niya.

"What the.. who are you talking to lately?" Takang tanong niya saken.

"Yung babaeng bumangga sa akin kanina, yung babaeng madaming sugat sa katawan."

"Walang bumangga sayong babaeng puno ng sugat kanina, Ari." Umiiling siya habang sinasabe niya iyon. "Okay ka lang ba talaga?"

Tumingin ako sa pinanggalingan nung babae kanina at nakita ko siyang kumakain sa ilalim ng puno.

"Ayun siya oh." Tinuro ko ang puno ng narra kung saan makikita mo yung babaeng kumakain sa lunch box niya.

"Saan?"

"C'mon Belle don't joke around." Kung nagbibiro siya hindi ako natatawa.

"I'm not." Panay ang tingin niya parin sa puno. "Are you sure you're ok?" Yung totoo hindi ko din alam kung ok pa ba ako.

Umiling na lang ako at nagpatuloy maglakad papunta sa building namin. Pagkapasok namin sa room ay wala pang tao kaya umupo na lang muna kami at naghintay mag start ang klase.

10 minutes passed at nagsimula na ang klase.

"Pwedeng tumabi sayo, Arielle?" Sabi nung babaeng nabunggo ko kanina. How does she know my name?

"Pwede ring tumabi, Arielle." Sabi nung isang babae hindi ko siya kilala.

"Ako rin." Sabad nung isa nilang kasama. For real diko sila kilala, ni hindi ko nga sila masyadong nakikita dito.

Sa kalagitnaan ng klase ay biglang nagsalita si Belle sa tabi ko.

"Hoy ano ba nangyayari sayo Arielle? Bakit ang putla mo? Tsaka bakit may tumutulong dugo sa ilong mo? Oh.." Inabot niya saken yung dala niyang tissue. Tumayo siya at kinausap ang teacher namin, nagtaka naman ako ng hilain niya ako palabas ng room at kinaladkad papuntang clinic.

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now