Chapter XXVIII- Soon To Be Wedded

6 1 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi parin buo ang desisyon ni Princess Gwyneth at nagkukulong sa taas na kwarto nitong bahay ni Madame Star.

"Ano ba ang nais mong itanong Arielle?" Tanong ni Madame Star sakin.

"Gusto ko sanang itanong kung ano yung Flaming Beast?" Ngumisi si Madame Star at tumingin sakin habang nagdidik-dik ng kung ano doon.

"Ang Flaming Beast ay isang napakalakas na mahika, kahit sino ay hindi iyon kayang tumbasan." Anito habang sinasalin sa isang lalagyan ang dinik-dik niya. "Kahit pa ang hari." Dagdag nito.

"Sino lang po ang nakakagaw non?" Tanong ko dito.

"Ang pitong porselas at ang pitong itinadhanang tagapangalaga non." Sagot niya na humahalo uli sa kawali niya. "Tikman mo nga." Inilapit niya ang sandok sakin

"Ayos lang po." Sagot ko. "So.. paano po gawin iyon?"

"Kailangan munang sumang-ayon ang isang prinsesa sa taas. Tara na't kumain." Sabi nito at naunang umupo sa kusina.

"Madam tala!" Tawag nung lalaki kay Madame Star.

"Oh bakit?" Lumapit dito si Madame Star.

"May naghahanap po sa inyo." Sumilip si Madame Star sa labas.

"Oh Jamie! Kamusta na hija?" Jamie? Agad akong lumabas at nakita ko nga doon si Jamie.

"Hi Jamie!! I miss you!!" Sabi ko niyakap siya.

"Hala miss na din kita kamahalan." Niyakap niya din ako.

"Nako, nako mamaya na iyang yakapan na iyan at kumain na, kumain ka na rin dito Jamie." Sambit ni Madame at pinapasok si Jamie sa loob.

"Kamahalan?" Biglang may nagtanong sa likod ko kaya nabaling ang tingin ko doon. "Prinsesa ka din?" Tanong ni Princess Gwyneth sakin.

"Hindi niyo pa ba nasasabi sakanya?" Pabulong na tanong sakin ni Jamie. Nakita ko ding nakatingin sakin ng may pag-aalinlangan ang mga kapatid ko sakin.

"Pasensya ka na Princess Gwyneth, pero ang totoo ay.. oo isa akong prinsesa at sila din." Turo ko sa mga kapatid ko. Umirap siya at umakyat uli sa taas.

"Arielle! Nabalitaan mo ba na bukas na ang kasal ni Night at Lucia?" Nabaling ang tingin ko sakanya.

"Talaga? Sabihin mo c-congrats sakanila." Di ko alam pero biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni Jamie.

Umupo na ako at nagsimulang kumain.

~

Pagkatapos kumain ay doon kami nakitulog sa bahay ni Madame Star kasama din si Jamie. Dahil dalawa lang ang kwarto sa taas at doon natutulog is Princess Gwyneth at Madame Star, sa salas kami natulog.

Nagising kami sa kalagitnaan ng gabi at nakita namin si Princess Gwyneth na nakatayo sa may binatana.

"Bakit gising kapa Princess?" Tanong ni Beth.

"Quit calling me Princess." Anito. Kinusot ko ang mata ko at nakita ko siyang naglakad palapit sakin at umupo sa gitna ng salas. "You can call me Gwyneth, simple as that and perhaps mga kapatid ko naman kayo." Niyakap ko siya.

"So you're saying na tanggap mo na ang lahat?" Tanong ko dito at tumango siya sabay ngiti.

"That's a real smile." Sabad ni Cassie.

"Yes pumayag ka din." Si Eloisa.

"Oo nga gustong-gusto ka na namin yakapin na parang kapatod talaga." Si Faye.

"Tsaka makatabi sa kama na prang kapatid." Si Beth, hays.. kama pa din.

"Tsaka i-share ang food sayo." Isa pa ito si Daniella.

"Yey bati na silang lahat." Pumapalakpak na ani Jamie.

"Pwede na ba matulog?" Hindi namin napansin na nandoon rin pala yung lalaking boogie man.

"Haha, hindi na tuloy ako makatulog." Masayang sambit ni Beth.

~

Nagising kami mga alas diyes na ng umaga dahil hindi kami nakatulog kagabi sa sobrang saya.

"Narinig ko ang pagsang-ayon ni Gwyneth kagabi kaya ngayon palang ay tuturuan ko na kayo kung paano gamitin ang porselas niyo." Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Madame at nauna ng lumabas ng bahay niya.

"Arielle masyadong malakas ang puwersa mo!" Singhal ni Madame sakin na kanina pa ako naririndi. "Sobrang hina naman masyado, Arielle."

Mahigit limang oras na kaming nag-eensayo pero hindi ko parin makuha. Wala kaming pahinga maghapon.

Panay ang try ko ng ako lang pero sobrang lakas ko talaga maglabas ng puwersa. Hanggang sa nakontrol ko na ang isang enerhiyang lumalabas at nagtuloy-tuloy na.

"Ganiyan nga Arielle." Sabi ni Madame. "Oh pumuwesto na kayo." Bumalik na kami sa dati naming puwesto ba pabilog at tinry iyon.

~

"Mag-ingat kayo, huwag mong iiwan ang mga iyan Jamie ah." Paalala ni Madame kay Jamie.

Pagkatapos namin makuha ang paglabas ng enerhiya ay pinapabalik na kami ni Madame Star sa Irreverence.

"Sige Madame ako na ang bahala sa mga ito." Nagpaalam na kami kay Madame at sumama na kay Jamie.

Dalawang oras lang lumipas habang nagkekwento si Jamie tungkol sa buhay niya ay namalayan naming nandoon na kami sa balon.

"Ganto mga prinsesa ako muna ang—" Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Jamie ng tumalon kami isa-isa sa loob ng balon.

Pagkapasok namin lahat ay si Jamie nalang ang hinihintay.

"Sabi ko ako muna eh, pero ok lang iyon tara na." Anito ng nakalabas na siya sa balon.

Pagkapasok namin sa malaking pader na gawa sa bato ay nagtungo kami agad ng tavern.

"Tita! Nandito na kami!" Sigaw ni Jamie sa loob.

"Oh! Bakit parang ang bilis?" Tanong sa amin ni tita.

"Feel ko nga rin po mabilis eh." Sabi ko.

"Oh siya, handa na nga pala ang hapunan." Aniya at inilabas ang mabangong pagkaing niluto niya.

Habang kumakain kaming lahat ay biglang yumuko si Jamie at may kinuha sa ilalim.

"Ano to?" Nakita kong hawak niya ang papel na binigay nung bata sakin.

"Iyan yung message sakin nung bata nung nakaraan nang bigyan ko siya ng ice cream." Kwento ko habang kumakain.

"Ilang taon na yung bata?" Tanong ni Jamie.

"Mga nasa 4 yata? di ko alam." Sagot ko.

"4 yrs old ang ganda ng pagkakasulat ng I'm sorry?"

"Ha?"

"Hindi bata nagsulat nito." Sambit niyang naniningkit na ang mata. "Ang masasabi ko lang, magkaparehas sila ng sulat ni kuya Night." Tinuro-turo niya pa ang papel.

Naalala ko naman nung binigay sakin ng bata yung papel.

"May nagbigay lang po sakin niyan, sabi ibigay ko daw sa iyo."

So does that mean na.. he was the one who sent this message to me? Nasabi niya na pala ang sorry na gusto ko simula palang.. hays bakit kasi hindi pa sinabi sakin ng diretso?

"Nasaan po si Night?" Tanong ko na natigil sa paglamon.

"Nasa labas yata sa may puno ng niyog kasama si Lucia." Lucia.. ang mapangasawa niya. 'Ano kaba Arielle of course kailangan nila ng time sa isa't isa.' Sabi ko sa isip ko kaya hindi na ako pumunta pa doon.

——

~ GLOOMAMELA 🌺

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now