Pinagpatuloy ko na lang ang paglamon ng pagkain at hindi na ginambala pa ang dalawang magiging soon to be a wedded couple.
"Tapos na ba kayo mag-usap hija?" Tanong ni tita sa likuran ko.
"Opo, tita." Bumaling ako doon at nakita kong nakangiting si Lucia.
"Eh, nasaan si Night?"
"Gusto daw pong mapag-isa ni Night doon." Sagot nito at umupo sa tabi ko. Naisip kong puntahan na sana si Night ng makita ko na dito si Lucia, pero nang marinig kong gusto niyang mapag-isa ay pinagpatuloy ko na lang kumain.
"Excuse me po, cr lang." Ngumiti ako sakanila at nagpunta sa cr. Pero hindi talaga ako doon pupunta lalabas ako sa tabing pinto ng cr. Dahil makulit ako wala akong paki kung gusto niyang mapag-isa.
Naghanap ako ng coconut tree kung saan-saan at isa lang ang nakita ko ang puno sa tabi ng plaza.
Pumunta ako doon at nakita kong nakaupo doon si Night at nagd-drawing? Hindi ko alam na marunong pala siya sa ganoon.
Umupo ako sa may gilid niya. Alam kong napansin niya presensya ko pero hindi siya lumingon.
Naalala ko ang kinuwentong storya sakin dati ni mommy, yung tungkol sa batang mahilig sa ibon. Tumingin ako sa ulap at nagsimulang magkwento sa tabi ni Night
"Naalala ko yung kinuwento sakin dati ni mom, ang sabi doon ay dapat na huliin ko na daw ang ibon bago pa makuha ng iba." Hindi parin siya sumasagot, patuloy parin sa pag-guhit.
"Kaya isang araw may nahuli akong ibon, nilagay ko siya sa maliit kong hawla at doon kinulong." Pagpapatuloy ko sa pagkekwento.
"One day, napansin kong nabobored na pala siya sa hawla ko, sabi nga ng iba kung mahal mo, papalayain mo, kaya pinalaya ko siya." Unti-unting pumatak ang luha ko. Naalala ko yung first love ko sa school, grabeng break-up iyon, ako nga lang yata kumikilos para magtagal kami.
"Pinalaya ko siya, kaya nakuha na siya ng iba." Pumikit ako sandali at tumingin kay Night na gumuguhit parin. Tumayo na ako at aalis na sana ng magsalita siya.
"Alam mo ba na kung minahal ka talaga ng ibon na iyon, babalikan ka niya?" Tumayo siya at nagpantay ang mukha namin. "At kung mahal ka niya, hindi siya mababagot sa hawla mo."
"Kaya kung ako iyon, Gaya ng sabi ko hindi mo alam kung gaano mo ako pinapasaya kaya wala akong pake kung ilang dekada mo pa akong ikulong sa hawla mo." Anito. "Kahit palayain mo ako ng palayain, babalik ako sa hawla mo kase doon ako nababagay." Ngumiti ako sakanya at niyakap siya.
"Ang sweet naman ng Night ko." Lumuluha pading sambit ko. I can feel that he hugged me back kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sakanya.
Pinalis ko ang luha ko. "So.. kailan kasal niyo?" Tanong ko kaya nagtaka ako ng tanggalin niya kamay niyang nakayakap sakin.
"Tss.. I cancelled it." Anito na walang emosyon sa mukha.
"Ha? Bakit?"
"Dahil hindi ako pwedeng makitira sa hindi ko naman hawla." Grabe naman to isinabuhay na yung kwento ko. "Nagugutom na ako." As he said that, he intertwined our fingers and pulled me of to tavern.
~
"Tagal mo naman yatang mag-cr, Arielle." Nakangising maloko si tito Gabby. Oo nga pala cr lang paalam ko!
"Ano ka ba, Gabby wag mo na nga asarin si Arielle namumula tuloy yung pisngi oh." Sabad ni tita na tinutusok ang psingi ko. Bumaling ako kay Night na nakangisi and it makes my heart beats so fast, it feels like everything is so awkward.
YOU ARE READING
The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]
FantasyJoin Arielle on her adventure in the Land of Irreverence to search for her sisters and their bracelets. Not just to search for them, they will use it against their father who is holding the souls of their mothers. Thank you so much for making my bo...