Chapter III- The Dragon Bracelet

21 6 4
                                    

Pagkatapos namin manood ng show ay naglibot ako sa buong carnival, I played so many game din.

Nabaling naman ang attensyon ko sa isang maliit na kwarto. Nababalutan siya ng mga antique na bagay at salamin, pumasok ako sa loob kase nacurious ako. I saw an old woman playing with a deck of cards, hindi siya yung parang pang sugal na baraha iba kase ang mga design na baraha na hawak niya at mas malake kesa sa mga natural na baraha.

In the middle of the table may isang malaking bola na gawa sa salamin. I knock, ng marinig niya ako ay agad siyang nagtungo sa akin at pinaupo ako sa tapat niya.

"May kailangan ka ba hija?" Hindi ako makakibo dahil kinakabhan ako sakanya.

"I-I just found myself here hindi ko alam kung nasaan ako." She looked at me weirdly and she just grabbed my hand and hold it.

Nagulat pa siya pansamantala at tumingin sa akin ng mariin. "Nawawala ka ba hija?" Tumango lang ako nakinig na uli sakanya.

"Iyon ay dahil hindi ka nabibilang sa lugar na ito." Aniya. Tumayo siya at hinila ako palabas, bago niya ako sarahan ng pinto ay binigyan niya ako ng isang pulang porselas na may naka-ukit doong larawan ng isang dragon. "Huwag na wag mong iiwawala yan, hija malilintikan ka saken." Grabe naman to magsalita.

"Para saan po ba ito?" Takang tanong ko kay lola, kanina pa to nag e-exaggerate eh.

"Makakatulong yan sa kasalukuyan mo." Aniya. "Ang kailangan mo na lang ay hanapin ang anim pang porselas. Ingatan mo yan nako." May pagigil action pa si lola.

"Sige po para sainyo iingatan ko ito." Nginitian ko siya at lumakad na palayo. Itatanong ko pa sana kung saan ito galing ng mawala na yung maliit niyang kwarto doon.

"Hoy! Saan kaba nagpupupunta?" Naiinis na sambit ni Night.

"May tinignan lang, uwi na tayo." Sabi ko sakanilang dalawa ni Jamie.

"Ok ka lang ba kamahalan?" Tanong ni Jamie, kaya napataas ang kilay ko sakanya. "Este Arielle.."

"Oo, ok lang ako uwi niyo nako."

Pagkabalik namin sa bahay ay nagpaalam na ako sakanila at dumeretso sa kwarto ko. Hindi ko tinanggal ang porselas ko hanggang pagtulog ko.

~

(School)

"Kamusta naman pakiramdam mo Arielle?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Belle.

"Ok na ako." Nginitian ko siya at naglakad papuntang library para gawin ang assignments ko.

"Ang ganda naman ng bracelet mo Arielle." I know she's lying.

"I know you're lying, Belle." Inirapan ko siya, siya naman ay natawa lang.

"Why are you wearing that?" Anito.

"Di ko din alam pero parang nagustuhan ko tong bracelet na to." Tinago ko na ang bracelet ko sa pocket ko.

"Whatever, tara na." Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa library.

10 minutes passed. Nag bell na kaya sabay kaming naglakad patungong subject room namen.

Sa kalagitnaan ng klase ay biglang nagkwento ng mga myths ang teacher naming mahilig sa mga ganon.

"Hi class since tapos na ang mga lessons natin this 1st quarter, lets talk about myths wala akong ibang alam na pwedeng itopic ngayon eh." Sabi niya, oh god simula pa lang nakakabored na. Pahikab-hikab pa ako.

"Do you know about the the other side of the world called The Land of Irreverence?" Panimula niya. "I heard na doon muna daw nag-iistay ang mga kaluluwa bago sila pumunta ng langit." There is a chance na paniwalaan ko to, grim reaper nga naniniwala ako ito pa kaya.

The Lost Princess of Irreverence [COMPLETED]Where stories live. Discover now